VIII. This time

2.1K 62 1
                                    


Prince Yonard Greffin

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Napabuntong hininga nalang ako at napaisip sa sinabi ko.

Narinig niya kaya ang sinabi ko? I don't know why I complimented her. It's just....yeah, she's beautiful.

Tumayo na ako at tumingin muli sa nilakaran niya, napailing nalang ako at inayos ang salamin bago pumunta ulit sa bahay ni Elaine.

---

Franzine Guillar

Hinanap ko agad si Hazel pagkapasok ko. Hindi ako pumunta sa harapan dahil nandun lahat ng atensyon, may nagsasalita kasi at nagbibigay ng mensahe sa Elaze na 'yun.

"Pag ako di pa naka uwi iiwan ko talaga siya—" di ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang tumawag sa 'kin.

"Ziiiiiii! San ka ba nanggaling ha? Kanina pa kita hinahanap e.." sigaw niya habang lumalapit sakin.

Akalain mong hinahanap rin pala ako ng babae'ng to.. at saka ako kaya ang dapat magtanong sa kanya, kung saan siya nanggaling..

"Uwi na tayo." malamig kong sabi sa kanya. Nag-aalangan pa sana siya pero wala na siyang magawa dahil hinila ko na siya palabas.

"Teka lang naman Zi. Magpapaalam mo na ako kay Elaze—" di ko na siya pinatapos at tinulak siya papasok humintong taxi sa harapan ko.

***

KINABUKASAN

Maaga ako nagising dahil magsisimba ako ngayon. Marami pa akong ipapasalamat sa diyos at saka hihingi ako ng tawad sa mga nagawa kong mali sa kapwa ko pati narin si Mama ipagdadasal ko na sana gumaling na siya. Kanina pa ako nagbihis at saka ako lumabas ng kwarto.

"Aling Pacing, aalis na po ako." paalam ko kay Aling Pacing. Tumango lang siya at ngumiti. Ako lang mag-isa ang magsisimba, di ako sinamahan ni Hazel dahil daw nagtampo siya sakin dahil hinila ko siya agad palabas ng di man lang nakakapagpaalam sa kaibigan niya kahapon at wala na naman akong panahon para humingi pa ng tawad sa kanya. Tumungo naman ako kay Mama.

"Ma, alis muna ako. Babalik rin ako." paalam ko kay Mama sabay halik sa kanyang noo. Ngumiti lang siya sa 'kin kaya nginitian ko naman siya pabalik bago umalis.



Pagkarating ko sa simbahan ay medyo nahuli na ako ng konti sa misa, nagwawale na kasi 'yung pari e.

"Alam nating lahat na minsan ay kailangan nating magpanggap na  matapang sa mata ng ibang tao dahil sa takot na kaawaan tayo ng iba. Takot tayong apihin at sirain. Takot tayong maiwan at sumuko. Pero, hindi lahat ng pagkakataon kailangan nating magpanggap dahil para narin nating itinatago ang mga totoo nating nararamdaman. Live every moment, Love beyond the words, Laugh everyday.. Lahat ng tao may karapatang maging masaya." sabi ng pari. Seryoso lang akong nakikinig sa kanya. Napaisip rin ako sa sinabi niya.

Live every moment, Love beyond the words, Laugh everyday...

Pwede pala 'yun? Simula nung umalis sina Papa at Ate ay hindi ko alam kung nabubuhay pa ba ang totoong ako, minamahal ko pa ba ang sarili ko at hindi ko na nagawa pang ngumiti araw-araw dahil sa bigat ng problema ko..

Tama 'yunh pari. May mga tao talagang nagpapanggap na masaya kahit malungkot, nagpapanggap na matapang kahit mahina naman. Isa ako sa mga tao na ganun. Na halos wala ng katotohanan na pinapakita sa iba para lang hindi nila ako kaawaan o sirain. Sa likod ng maskara ko? Di ko maitatangi na lumalambot ang puso ko sa ibang tao. Nakakaramdam ng sakit at dusa.

Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon