XXVIII. Meet the Devil

1.3K 49 0
                                    




Franzine Guillar





Balik sa klase na ang lahat. 'Yung assignments, projects at quizzes na naman ang aatupagin. Tss.




Nandito na ako sa room pero si Nerd wala pa. Kahapon, pagkatapos ng event ay umuwi na agad ako. Di na ako nakapagpaalam ni Nerd dahil nag-uusap rin naman sila ni Sir Manuel. At speaking of.. Pumasok na si Sir Manuel, kagaya ng balik klase ay balik narin si Prof sa amin.





Napaisip tuloy ako kung ano ang pinag-usapan nila kahapon.




"Good morning." bati niya sa amin at nilagay ang mga gamit sa mesa niya. Tumayo naman sila at binati rin pabalik si Sir pero nanatili lang akong nakaupo.





"Ms. Guillar," tawag ni Prof sa 'kin kaya napatingin ako sa kanya. Inayos niya ang salamin niya at tiningnan ako.





"Thank you for your cooperation yesterday. Thank you for helping the Seniors. You did great." sabi niya at nginitian pa ako. Napataas naman ang gilid ng labi ko at napailing sa isip.





Nginitian niya talaga ako? Nakakapanibago ka Sir ah? Tss.





"And oh, by the way Mr. Greffin is absent today. May ginagawa siya ngayon kasama ang pamilya niya." sabi pa ni Sir. Seryoso tuloy akong napatingin sa kanya.





Akalain mo 'yun? Alam ni Sir pero ako hindi? Tss. Kagagawa pa man rin namin ng pangako kahapon.





---




Hazel Chen





I'm only one call away~~~

I'll be there to save the day~~~

Superman got nothing on me~~~

I'm only one call away~~~

Call me baby if you need a friend~~~

I-



"Ouch." sambit ko ng may bumangga sa 'kin at napaupo pa ako sa lupa.





Aish! Kainis 'yung bumangga sa 'kin. Grabe siya!





"Sorry Miss." sabi ng taong bumangga sa 'kin at tinulungan akong tumayo. Inis akong tumingin sa kanya at..





Gwapo niya naman. Omo!





"Are you okay?" tanong niya sa 'kin. Napahawak ako sa pwet ko at napakagat ako sa labi ng sumakit ito.





Di ata ako okay.





"I bet you're not okay. Dadalhin na kita sa clinic." sabi niya at aakmang lalapit sa 'kin pero umatras ako at pinigilan siya.






"No. I'm fine, at saka malayo naman 'to sa bituka kaya di pa ako mamatay." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango. Kaya pilit nalang rin akong ngumiti pabalik.





Inferness kakaiba 'yung ngiti niya.





"Pwede bang ihatid nalang kita sa bahay mo para makasigurado akong okay ka lang. Pambawi lang." sabi niya at ngumiti muli. Namula naman ako sa tuwing ngumingiti siya para kasing ang bait ng mukha niya.





Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon