Prince Yonard Greffin
It's december. I was thingking if what christmas gift should I give to Franzine. Di naman siya materialistic pero gusto ko siya bigyan ng bagay na palagi niyang itatago para maalala ako. Hmm.. Ano kaya?
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa dining area. Masyadong tahimik kaya di nalang rin ako nagsalita. Mom is quiet and same as Dad. But sooner, dad broke the silence.
"Hon, where do you want to spend christmas?" tanong ni Daddy kay Mommy.
"I don't know either, hon. Okay lang sa 'kin kahit saan basta magkakasama tayo." sagot ni Mommy at ngumiti kay Daddy.
"Well, I was thingking sa Palawan nalang but I'm not really not sure of it." sabi ni Daddy. Tumango lang si Mommy sa kanya.
Palawan? I think it's too far.
***
Pagpasok ko sa room ay nakita ko agad si Franzine na seryosong nakatingin sa harap. Mukang malalim ang iniisip niya. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya.
Is she okay?
"Ba't ang seryoso mo ata? Magpapasko na pero di ka masaya." sabi ko sa kanya. Malamig niya akong tiningnan at saka niya nilagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang jacket.
"Birthday ko nga di ako masaya, pasko pa kaya. Tss." malamig na sagot niya at umiwas ng tingin.
"Wow! Ganyan ka na talaga ka seryoso at di mo kaya maging masaya sa importanteng okasyon?" manghang tanong ko sa kanya. Tumaas ang gilid ng labi niya at matalim akong tiningnan.
"Magiging masaya lang ako kung gagaling na ang Mama ko. 'Yun na siguro ang pinakamasayang okasyon na nangyari sa buhay ko." sagot niya at sinamaan pa ako ng tingin bago tumingin sa harap.
Napahinga nalang ako ng malalim. Maya-maya lang ay pumasok na si Sir Manuel.
"Good morning." bati niya sa amin. Tumayo naman kami at binati siya pabalik.
"Okay get your assignment." sabi niya muli. Napatingin naman ako sa tabi ko at ito na naman siya, walang pakialam.
Siguro wala na naman itong assignment. Ano pa ba ang bago?
Nang papunta na si Sir sa table namin ay iaabot ko na sana ang notebook ko sa side niya ng may bigla siyang nilagay na notebook. I mean notebook niya. Nagulat pa ako kung paano niya ako nginisihan ng mayabang.
"Ano 'yan?" tanong ko sabay turo sa notebook niya.
"Tss. Ano ba sa tingin mo?" tanong niya pabalik.
"Alam kong notebook 'yan. Pero para saan?" tanong ko ulit sa kanya.
"Tss. Saan sa tingin mo?" tanong na naman niya pabalik sa 'kin.
"Ba't ba lage mong tinatanong pabalik sa 'kin ang mga tanong ko?" inis kong tanong sa kanya. Napatitig ako sa kanya ng ngumiti siya, hindi pilit na ngiti. Kundi isang totoong ngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/59023141-288-k801269.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Jugendliteratur(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...