Letter # 4

182 16 1
                                    

Dear Gin,

Pasensya na sa term, bhe, ha? Pero ang shunga mo din talaga eh, 'no? Kakasabi ko lang last time na mag-ingat ka dahil abno ka pa naman tapos--- tapos ganyan ang mababalitaan ko sa'yo?! ABNO KA NGA TALAGA! OH, ETO CAPSLOCK PARA MAS DAMANG-DAMA! KAURAT KA DIN, BHE! Sukat ba namang magpahagip sa motor?! Tanga lang, ha? Tanga lang?! Kainis ka, alam mo yon?! Emsowerriedboutcha! Ya-know?! Sa susunod kung gusto magpasagasa, tawagan mo na lang ako, ha?! Gusto ko rin kasi maka-experience makasagasa ng ROCKSTAR! Ite-testing ko lang kung kasing tigas nga ng bato yang bungo mo! Rockstar, rockstar pa daw siya... eh nasaan ka ngayon?! Nasa hospital, 'di ba?! Naku, Gin! Hina-highblood ako sa'yo! Wala munang bhe, bhe! Naiirita ko sa'yo. Napaka-careless mo!

Siya sige na! Susulatan na lang ulit kita kapag naisipan mo ng magpaturo kung paano ang tamang pagtawid sa kalsada.

Pero, sige! Dahil mahal kita (Kahit naiirita pa rin ako sa kaabnoyan mo) ituturo ko sa'yo ang basics sa pagtawid.

Alam mo ba yung traffic light? Ayun yung poste na may tatlong kulay na ilaw. Yung makikita mo sa mga intersection, pedestrian... basta mga ganon. Kapag umilaw yung green, ibig sabihin non, go. Ibig sabihin tuluy-tuloy yung sasakyan, ha. 'Wag kang tatawid, abnoy! Kapag naman dilaw yung umilaw, ibig sabihin non, slow down. Pero wag ka pa ring tatawid kasi hindi pa safe. Tapos kapag yung pula naman yung umilaw, tandaan mo 'to ha! Kapag nag redlight na tsaka pa lang magsisitigil yung pag-andar ng mga sasakyan. Pwede kang tumawid.

Pero para mas safe, ituturo ko rin sa'yo ang silbi ng pedestrian lane. Teka, alam mo ba 'yon? Ayun yung tawiran, ha. Hindi kung saan-saan mo na lang matripang baliw ka!

Pero para mas masiguro natin ang safety mo... ipapakila ko na rin sa'yo yung kakilala kong MMDA! Para may magtatawid na sa'yo. Nakakahiya naman kasi eh!

Hmp! Sige na, pagaling ka na lang. Sa susunod, mag-iingat na kase. Ang dami kayang nag-alala sa'yo! Iniyakan pa nga kita eh! Buti hindi ka namatay 'no?! Tsk.

Oh eto para mas sure na sure na safe ka sa pagtawid. Link 'to ng tutorial kung paano tumawid at kung saan ang tamang tawiran. Panoorin mo, huh!

Link - https://youtu.be/eto-ang-tamang-pagtawid-abnoy- ka-talaga-Argin-Montero

Enjoy watching -_____-

Not much LOVE today,
JC

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon