Dear Gin,
Malas ka ba, bhe? O malas ka lang talaga? Pwede ring abno. Alam mo namang hindi pa masyadong magaling 'yang pilay mo pero nagperform ka pa rin! I get your point naman na ayaw mong madisappoint kaming mga fans mo kung hindi mo itutuloy yung concert pero... ANG ABNO LANG TALAGA! Itinuloy mo pa rin kahit na iika-ika ka! Para ka tuloy gwapong penguin sa stage.
I heart you naman talaga, bhe eh... pero minsan talaga hindi ko kinakaya ang kashungaang taglay mo. Pero I heart you pa rin talaga, swear. I sarang you, bibi ko. Bibi ko. Bi-ko. Biko. Mygahd, gusto ko ng biko! Anyways, pakisabi na rin pala d'yan sa kabanda mong si Ren na mag-ingat-ingat siya sa'kin, baka hindi ko siya matantya! Baka bigla ko na lang siyang bigwasan kapag nakita ko siya. Oo, crush ko siya ng slight- slight lang bibi ko dahil nakalaan sa'yo ang buong puso ko. Joke, 'yung 27% pala para kay Vin tapos sa'yo na 'yung 70%. Yung 3%? Tinira ko para sa'kin. Para kapag sinaktan mo 'ko, iniwan, may pagmamahal pa rin akong nakalaan para sa sarili ko.
Kaiyak talaga, bibi!
Okay, back to Ren! Bakit ba niya dinanggil yung pilay mo?! Alam kong aksidente lang 'yun at hindi niya sinasadya, pero sinaktan niya ang bibi ko! That's you by the way.
Bibi, sa susunod mag-ingat na ha? 'Yung totoong ingat ha!
Love,
Concerned JC(itizen)P.S. Ang witty ko sa part na 'yon, bibi!
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...