"Papsi, sino si Ivan?" Tanong ko kay father dear habang nakasalampak sa sofa.
"For god's sake, Jeramie Cassidy, will you sit properly?! Is that how a lady should sit?"
Napangiwi na lang ako saka inayos ang pagkakaupo ko.
"So sino nga si Ivan?" Tanong ko ulit.
"Atat? Makikita mo rin 'yon maya-maya."
Napabuntung-hininga na lang ako saka napaisip.
OMG!
"Don't tell me you're planning an arrange marriage, Papsi? Tapos ikakasal mo ako d'yan sa Ivan na 'yan kahit hindi ko naman siya kilala! Naku, ganitung-ganito 'yung mga nababasa ko sa Wattpad eh! Kunyari ipapakilala lang tapos malalaman mo na lang, ikakasal ka na! Naku talaga Papsi, ha! Loyal ako kay Gin, sinasabi ko sa'yo. Pero-
.
.
.
.
.
Pogi ba?" Nakangising tanong ko.
Aba, anong malay natin na baka anak pala ni Adonis si Ivan, 'di ba?
"Anak, ang lawak masyado ng imagination mo. At kahit naman pilitin kong ipakasal ka sa isang disenteng lalake na katulad ni Ivan, hindi ka pa rin talaga papatulan non. Hwag ka ng umasa."
Aray </3
"That's so ouchy father, ha!" Reklamo ko saka humalukipkip. He's making lait-lait na naman sa whole being ko.
"Oh, 'di kung ayaw mo kay Ivan, pwede bang kay Gin na lang? Hehez!" Kinikilig pang tanong ko.
Bestest. Idea. Evah.
"Dream on." walang emosyong saad pa niya.
Tch. Kontrabida si ama.
"Morning, Sir."
Sabay kaming napalingon ni Papsi sa may pinto nang marinig ang baritonong boses na 'yon.
"Oh, Ivan. Upo ka."
Shocks.
Laglag panga.
Shocks ulit.
"Ivan Schwarz Mendel?!" Hindi makapaniwalang tanong ko saka pinakatitigan ang mukha ng nilalang na mukhang totoong anak nga ni Adonis!
Sheyt!!
Siya 'yung Instagram hottie na finafollow namin ni Rina bebs! Gondo ng feed niya, syems. Gwapo pa!
"Isara mo 'yang bibig mo, Mimi. Nakakahiya ka. Hwag ka dito maglaway." Bulong sa'kin ni Papsi at bahagya pa akong siniko.
Masisisi niya ba 'ko?
Maghahire-hire siya ng mga gwapong nilalang tapos pipigilan niya ko sa pagpapantasya ko? No way.
I, too, have my own weakness.
Papable guys are my kryptonite, 'ya know. *wink* *wink*
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...