Naalimpungatan ako ng marinig ang alarm tone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tingnan ang oras.
3:30 ng umaga.
Napakunot ang noo ko ng mapansin ang isang note na nakadikit sa side table ko.
Seriously?!
Did she really expect me to wake up with this note?
Natawa na lang ako.
Kahit anong capslock pa ang gawin niya, hindi ako magigising nitong letter niya.
And what's even with the letters?
Hindi ba siya naha-hassle? Mas madali kung sasabihin na lang. Hay.
Napalingon ako nang maranig ang dahan-dahang pagbukas ng pinto at napansin kong sumisilip pa si JC sa siwang. Nagulat naman siya ng mapansing nakabangon na 'ko.
"Ay, gising ka na pala. Hehe. Ligo ka na. Twenty minutes na lang, aalis na tayo. Ge, bye!" Dire-diretsong sabi niya saka mabilis na sinara 'yung pinto.
Weirdo.
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...