JC

122 9 4
                                    

"Ano ba't kanina kapa nagngangangawa d'yan sa sulok, Cee?! Para kang timang."

Nakanguso naman akong tumingin kay Rina.

"Taksil ba 'ko?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya.

"Huh?" Takang tanong niya.

"Malandi ba 'ko?" Muling tanong ko pa.

Tiningnan niya naman ako na para na 'kong baliw.

Oo! Oo na, nababaliw na nga yata ako!

"Cee, hindi ka taksil. Hindi ka taksil, pero malandi ka!"

"Kingina mo pows!" Pairap kong saad saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at tumabi kanya sa may sofa.

"Pero alam mo ba kung anong ginawa ko kani-kanina lang?"

Umiling naman siya saka muling ibinaling ang atensyon sa tapat ng TV. "Kung ano man 'yan, wala akong pake." Walang ganang saad niya pa.

Tumangu-tango naman ako.

"Sabi na nga ba at gustung-gusto mong malaman kung anong nangyari kaya ikukwento ko sa'yo."

"No, thanks."

"Kanina kasi, Rin..." Simulang saad ko.

"Ugh, stop."

"Sumulat ako ng letter sa Bulletproof..."

"Ano namang bago don? Araw-araw mo namng ginagawa 'yon?"

"...Kay Ken ako sumulat." I confessed.

Tinitigan niya naman ako.

"... and so?" Walang ganang tanong niya pa na parang wala namang mali sa ginawa ko.

"Rin naman eh! Si Gin ang bias ko tapos si Ken ang sinusulatan ko?! Hindi ba pagtataksil 'yon? OMG! So two-timer na 'ko? Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging ganitong klase ng babae! Huhuhu, bes!"

Bigla naman akong binato ng unan ni Rina.

"OA mo. Kala mo naman ngayon mo lang pinagtaksilan si Gin eh nung isang araw nga nakita kitang pinagpapantasyahan 'yung abs ni Vin! Don't me nga, chupi!"

Napangiwi na lang ako.

Oo na, oo na.

Ako na maharowts!

Masisisi niyo ba 'ko eh ang hot nila lahat?!

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon