"Manager!" tawag ng binata sa kakapasok-pasok lang na lalake.
Hindi pa man natatanong ay agad na itong umiling bago umupo sa sofa, sa tabi ng binata.
Ilang araw na rin kasi siyang kinukulit ng binata at paulit-ulit na tinatanong tungkol sa isang bagay. Kaya kahit hindi pa man bumubuka ang bibig nito ay mukhang alam na niya ang itatanong nito sa kanya.
Sa paulit-ulit ba naman nitong tanong sa kanya, iisa lang rin naman ang laging sinasagot ng nakatatandang lalake sa binata.
"Wala pa rin." Sagot nito na naging dahilan ng pagkunot ng noo ng binata.
"What do you mean wala pa rin?" Pangungulit pa nito sa manager niya.
"No luck. Still no letters today, kiddo."
Hindi rin malaman ng manager kung bakit ba nitong mga nakaraang linggo ay nahiligang magbasa ng alaga niya ng mga fan mails. Dati naman ay hindi nito masyadong pinapansin ang mga sulat na natatanggap mula sa mga tagahanga dahil na rin sa sobrang dami ng mga ito at wala na itong oras para basahin lahat 'yon.
Iyon ang labis na ipinagtataka ng manager.
Sa kabilang banda naman ay napangiwi na lang ang binata nang marinig ang isinagot sa kanya ng manager niya.
"But it's been days." Nakangusong saad pa nito na sinundan pa ng mahabang pagbuntung-hininga.
"I miss her letters though." he whispered to himself as he lazily went back to his room and just sleep the night away. Lately, everything had been extremely exhausting for him. Too exhausting.
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...