Dear bibi ko,
At nagkatotoo na nga ang kahapan ay rumor lang, huhu! Naconfirm na nga ng agency niyo kani-kanina lang na magsasama kayo ni Cherry F. sa photoshoot at magsisimula na kayong magshoot ngayong Sabado OTL
FML.
Okay lang. Maganda naman si Cherry, mabait pa. Feeler pero cute! Sa totoo nga lang, fan din niya ako eh. Ang problema lang... ideal type mo siya.
Maganda siya. Gwapo ka. Bagay kayo. Pero paano tayo?
Ah kabog XD
Joke lang 'yon, syempre wala namang tayo eh. Alam mo namang lahat ng sakit dinadaan ko sa biro kaya joke lang ulit... kasi sobrang sakit na, huhubels talaga bibi ko! I crei~
Siya, bye bye na bibi ko! Magbeauty rest ka na. Good luck nga pala sa Sabado. Ihingi mo rin ako ng autograph kay Cherry, ha? Heart heart!
Love,
JC na kailangan ng gumising sa katotohanan na may chemistry talaga kayo ni Cherry </3
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...