JC

75 7 1
                                    

"Ngayon na lang kita nakita, ha." Bati ni Justin saka umupo sa tabi ko.

Niyaya ko kasi siya dito sa convenience store.

"Miss mo ko?" Tanong ko, sabay pakyut.

Wala naman siyang reaksyon. Tumayo lang siya at bumili na ng mga pagkain namin.

"Tingnan mo 'yon. Parang hindi kaibigan. Wala man lang kasupo-suporta." Reklamo ko sa sarili.

Hay...

Sakit pa rin ng heart ko. Pabadboy naman kasi masyado si BiBi Gin kanina. Hindi naman bagay.

"Nakasimangot ka?" Tanong ni Justin habang nilalapag sa table 'yung mga binili niyang foods.

"Heartbroken ako, bes."

Napangiwi lang siya.

"Di mo talaga 'ko namiss?" Nagtatampong tanong ko. Ang tagal na kaya naming hindi nagkikita. Bukod sa busy ako sa work, sobrang pecelebrity pa 'tong si BFF Justin.

"Syempre namiss." Nakangiting saad niya. "Ikaw lang naman 'tong bisi-busyhan eh. Ano nga palang pinagkakaabalahan mo ngayon?"

" 'Yung alaga ko."

"Nagkatulong ka na?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Gagi, hindi. Temporary manager ako. Training na rin bago ipahandle sa'kin ni Papsi yung agency namin."

"Agency?!"

Napangiwi naman ako sa lakas ng boses niya.

"Anong ka-OAyan yan, Hustino?"

"Anong agency?" Gulat pa ring tanong niya.

Nagtaka naman ako.

"You seriously don't know?" Gulat na tanong ko.

Umiling naman siya.

I gasped.

"And here, I thought, you're my bestfriend." Kunwa'y pagtatampo ko pa.

"Nagsabi ka ba?" Balik-tanong niya.

Napaisip ako.

"Hindi ba?"

Umiling lang ulit siya.

KFine.

"We're handling FJC Entertainment."

Nanlaki naman ang mata niya.

"Seryoso?!"

Tumango lang ako.

"But... I'm a trainee there."

Ako naman ngayon ang nanlaki ang mata.

"What?! Seriously?!"

Tumango lang siya.

Magbestfriend ba talaga kami nitong ungas na 'to?

"Hindi ka nagsasabi?" Pagtayampo ko.

"Ah, hindi ko ba nasabi? Sensya."

Ay, wow.

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon