Hindi maalam tumayming yung organizer na 'yon, ha! Kitang nagsisimula pa lang kaming magmoment ni Ken eh.
Ang pretty ko daw kapag nagii-smile, oh! Nungka!
"Hi." Tipid ang ngiting bati sa'kin ni Zen saka agad na pinirmahan ang album bago muling bumaling sa'kin.
Nakangiting niyang inilahad ang kamay niya.
High five agad?
Nagmamadali ata si kuya.
Naghigh five na lang ako at MYGAHD for the nth time!
Pwede mo na 'kong kunin, lord. HHWSAEO kami ni BiBi2.
Yes, BiBi2 ko na siya! Wala kayong pake. Tutal naman may Cherry na si Gin! Iuuwi ko na lang 'tong si Zen.
Walang panama ang magiging photoshoot nila sa Sabado sa HHWSAEO namin ngayon ni Zen BiBi2.
Holding Hands While Staring At Each Other.
Mygahd! I hear the wedding bells ringing!
"What's your name?" Nakangiting tanong niya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
"I do."
Napakunot naman ang noo niya bago ngumiti.
"Ay joke, kuya! JC pala. JC ang name ko po. Hehe." Kinakabahang saad ko.
Ang sarap ko sabunutan, swear.
"You're so cute, JC."
Syet!
Gin who na nga ulet?
Nagka-amnesia ata ako sa sobrang cute ng smile ni BiBi2 ko.
"Cute mo rin, BiBi2."
"BiBi2?" takang tanong niya.
Nanlaki naman ang mata ko nang marelize ang pinagsasasabi ko.
JC, why so sabog.
"Ah-ano..."
"So, may BiBi1 ka? Nakakatampo naman." Nakangusong reklamo niya and I-
I just melt.
Sinong BiBi1?! Wala akong BiBi1! Ikaw lang, Zen! Nag-iisa ka sa puso ko! Eeeeeh naman!
"Next." Sabat naman nung kontrabidang organizer.
Napanguso na lang ako.
"Ayoko pa."
Natawa naman si Zen nang marinig niya ang sinabi ko.
"Punta ka ulit sa next Fansign namin, BiBi." Nakangiting saad niya pa bago binitawan ang kamay ko.
No, BiBi2! Don't let go.
"Dapat ako na BiBi1 mo sa susunod ha?"
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...