JC

69 8 1
                                    

Galit pa kaya sakin si BiBi ko?

Kaimbyerna naman kasi. Hindi ako makascore sa kanya at baka magalit na naman siya sa'kin. Lie-low na nga muna sa pagpapacute. Trabaho muna.

Pokerface muna tayo, JC.

Kayang-kaya yan.

"Is something wrong?"

Napalingon naman ako kay Ken nang bigla niya kong kausapin.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa van papunta sa arena. Preparation na rin para sa upcoming concert nila.

Teka, ano nga ulit tanong niya?

Medyo natameme ako sa kacutean niya, shems.

"Huy, may problema ka ba?" Tanong niya ulit saka pumitik sa harap ko.

"Ha? Ah, wala."

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Eh bakit ang tahimik mo ngayon?"

Napangiwi naman ako.

"Are you implying na I'm usually loud?" Taas-kilay na tanong ko.

"I'm like super mahinhin kaya." Pabebeng saad ko pa saka nagbeautiful eyes.

Narinig ko naman ang tawanan nung iba.

So mean.

"Beautiful eyes nga ulit." Natatawang utos pa ni Zen.

Ngumiti naman ako bago kumurap-kurap.

Natawa naman ulit siya.

"Isa pa nga!" Sigaw naman ni Ren.

Napasimangot na lang ako.

"Yoko na, inuuto niyo na 'ko."

"Pansin mo?" Natatawang tanong pa ni Ken.

Sinimangutan ko lang siya. Medyo pilosopo si cutie. Keynis pu.

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon