JC

72 7 0
                                    

Nakanguso lang ako the entire time na shinushoot 'yung scene nila Seri and Samuel (Clarissa and Gin).

"Coffee?"

Napalingon ako ng may warm cup na dumampi ng slight sa pisngi ko. Paglingon ko nakita ko si Ivan na inaabot sa'kin 'yung kape.

Shems.

Hanggang ngayon 'di pa rin ako nakakamove on sa kagwapuhan niya.

Nalimutan kong nagseselos nga pala ako sa ClarGin kani-kanina lang.

"Salamat." Nakangiting sabi ko. "Teka, bakit ka nga pala nandito? Tapos mo na 'kong i-train ah."

"Your father sent me here."

"Bakit?"

"He's probably worried about you." Natatawang saad niya. "He even asked  me to assist you from time to time. Kaya nandito ako ngayon. Mahirap ba ang trabaho?" Pangungumusta niya.

Napanguso na lang ako.

"Slight lang. Pero keri naman. Ako pa!"

Ngumiti naman siya bago ginulo ang buhok ko.

"Good. Teka, bakit nakasimangot ka kanina?"

Bumalik 'yung ngiwi sa mukha ko.

Pinaalala pa eh.

Nakalimutan ko na nga ng bahagya dahil sa existence niya tapos ibinalik din niya.

"No particular reason." Nakangusong sagot ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay pero hindi na nagtanong.

Good.

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon