Ilang minuto rin kaming naghintay bago dumating si Mr. Ferrer.
"Sit down." Bungad nito sa'min bago umupo sa swivel chair niya.
Nagsiupuan naman sa tabi ko sina Vin habang si Manager ay nakatayo sa gilid ni CEO.
"Nasabi na naman siguro sa inyo ni Manager Ho na mawawala siya ng isang buwan?"
Nagsitanguhan naman sila.
"Pero Boss-"
"Don't worry, may pansamantala namang aako ng trabaho ni Manger Ho." Putol niya sa tanong sana ni Ren.
"Sino naman, Boss?" Tanong pa ni Vin.
Ngumiti naman ng pagkalawak si Mr. Ferrer bago sumagot.
"Of course, my beautiful Mimi!" Proud pang saad niya.
Ayan na naman siya.
Nabubuhayan talaga ng dugo si Boss kapag anak na niya ang pag-uusapan.
"Hindi ba bata pa 'yung anak niyo?" Usisa ni Zen.
"Yes, my baby is just 24."
Nanlaki naman ang mata naming lahat.
"Bente-kwatro, baby pa?" Rinig kong bulong ni Ken.
Napakunot naman ang noo.
Twenty-four?
Pero bakit kapag ikinukwento siya sa'min ni Boss, akala mo bata 'yung pinag-uusapan namin? 24 na pala si Mimi. Akala ko mga nine years old.
Ang cute talaga ng baby ko. Natuto na siyang sumakay ng jeep mag-isa.
Pinagluto ako ng anak ko ng pancake. Kahit sunog 'yon, masarap pa rin.
Hays, nagkaroon na naman ng sugat sa tuhod 'yung baby ko. Takbo kasi ng takbo eh.
That's just how he talked about her. Don't blame me if I guessed her age wrong.
"Where is she?" I asked.
"Papunta na daw siya eh." Sagot ni Boss saka kinuha ang phone niya para siguro tawagan ang anak.
"Nasaan ka na?"
"Ha, naligaw ka?"
"Ang linaw, linaw ng instructions ko, Mimi. Sabi ko, pagkapasok mo ng building, sumakay ka ng elevator, fourth floor, liko sa kanan, tapos liko sa kaliwa. Makikita mo na doon ang office ko."
This building is not that big. How did she even manage to get lost?
Is she really going to be our manager? For a month? That clumsy girl?
"Okay, bye." Paalam boss sa kausap.
Napabuntung-hininga na lang ako.
Yup, that clumsy girl's going to be our manager. For a month. Thanks to Manager Ho and his month vacation.
Napalingon sa akin ang lahat ng tao sa office nang magring ang alarm ko.
"May schedule pa pala ako ngayon. Una na 'ko." Paalam ko.
"Hindi mo muna hihintayin 'yung temporary manager natin?" Tanong ni Ken.
Umiling naman ako.
"Maybe next time."
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...