Dear Gin,
Alam mo, bhe, duda talaga 'ko na nagbabasa ka ng fan letters eh. Naalala ko kasi nung grade two tayo, bwisit na bwisit ka sa teacher natin kapag nagpapa-reading assignment siya. Anyways, wala akong pake. Maseen mo man 'tong letters ko o hindi, go pa rin ako. Ganon naman talaga kapag nagmamahal, 'di ba? Hindi agad sumusuko...OHA! Lalim ng hugot ko diyan. Pinag-iisipan ko nga kung gagamitin ko yung hugot lines ng mga customers. Yung tipong..."Ate, pabili nga po ng ilaw." Tapos magtatanong si tindera, "Anong klaseng ilaw?" Tapos sasagot naman yung isa. "Yung maliwanag, yung makikita yung halaga ko." Mga ganyan ba, kaso hindi ka naman tindera. Isa ka lang namang Rockstar na tinitingala ng karamihan. STAR nga 'di ba? Masyadong mataas. Mahirap abutin. At kung sakaling mapalapit man ako sayo, mapapaso lang ako... masasaktan. Ang hirap palang magmahal ng isang bituin, 'no? Yung tipong hihintayin mo na lang yung sarili mong mapagod sa pag-abot ng bagay na kailanman hindi mapapasayo... bago mo pa maisipang sumuko. Yung magle-let go ka lang kapag hindi mo na kaya yung sakit.
Sacquet, bhe! Pero syempre, chumacharot lang ako. Kahit kailan, hindi ako susuko sa'yo, bhe! Ngayon pa ba na may endearment na tayo... ay, may endearment na ako sayo pala dapat 'yon. Hehez! Bye for now! Kita-kits na lang sa sunod na concert niyo, bhe! Ingat ka lagi, ha! Abno ka pa naman!
Love,
JC
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Historia CortaHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...