- JC -
Oh my gee talaga, magkikita na naman kami ni BiBi ko!
"Ano ba, para kang timang d'yan Cee." Reklamo ni Justin saka hinila ang manggas ng damit ko para pumirmi ako sa tabi niya at hwag ng maglikot.
Pero-
"Isa pang galaw mo, iiwan talaga kitang mag-isa dito."
Nakanguso naman akong sumandal sa inuupuan ko. Galit na si Justin. Patay. Buti nga at napilit ko siyang samahan ako dito sa fansign ng Bulletproof kahit busy siya sa trabaho.
"Sorry na, Jus." Paawang saad ko pero hindi niya man lang ako nililingon.
"Bati na tayo." Pangungulit ko pa.
Waepek.
"Hindi na 'ko maglilikot, swear."
Napabuntung-hininga naman siya saka ginulo ang buhok ko.
"Oo na." Pasukong saad niya saka simpleng ngumiti kaya napangiti na rin ako.
Ang bait talaga ng bestfriend ko.
"Cee?" Rinig kong tawag naman sa'kin ni Justin.
"Bakit?" Tanong ko nang hindi siya nililingon at nakapako lang ang tingin ko sa harapan. Para na 'kong estatwa dito.
"Hoy! Pwede ka namang gumalaw. Ang sinasabi ko lang, wag kang parang kiti-kiti dyan sa upuan mo. Pwede kang lumingon sa'kin."
"Pwede ba?" Nakahingang tanong ko saka sumandal sa upuan ko. Woo, sumakit 'yung balikat ko.
"Abnormal talaga." Natatawang saad pa ni Justin.
"Bakit mo nga pala ako tinawag?" Tanong ko.
Bigla naman siyang may nginuso sa may bandang likuran namin.
Paglingon ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang isa-isa nang nagsisidatingan ang members ng Bulletproof.
Ilang sandali pa ay nagkagulo na ang mga fans. Kanya-kanya silang iritan sa pagtawag sa mga idol nila.
May "Zen, marry me!" "Ken, ikaw ang ama ng dinadala ko!" Tapos, "Vin, tayo na lang!" And I was like- NOPE! He's mine! Pati si Gin, akin din! Well, aangkinin ko na silang lahat.
"Ren, kakalbuhin kita!"
Well, sigaw ko 'yan. Maganda ako eh.
"Hoy, baka naman mapaos ka d'yan sa kakasigaw mo." Saway sa'kin ni Justin kaya ikinalma ko muna 'yung bunganga ko. Mahirap na, baka hindi ko pa maconfess kay Gin ang undying love ko para sa kanya.
Ilang sandali pa ay nakarating na ang buong Bulletproof sa platform kung saan may nakahandang mga upuan at isang mahabang lamesa kung saan sila magsa-sign ng albums.
Bruh, may hi-touch 'to! Mahahawakan ko na ang bibi ko! Mygahd!
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...