Napahawak ako sa sintido matapos mabasa ang sulat na 'yon.
Sumakit ang ulo ko sa pag-intindi sa sinabi niya.
And what is she talking about?
I don't get it.
"Ren, buksan mo 'yung pinto." Rinig kong utos ni Zen nang may narinig kaming nagdoorbell.
"Si Vin na lang." saad pa ni Ren.
Padabog namang tumayo si Vin. Ako naman ay bumalik lang sa pagkain ng noodles.
Pero iniisip ko pa rin talaga yung sulat kanina.
Anong "Be ready in three, two..."
"ONE!! Hello sa inyo!"
Halos mabitawan ko ang hawak na cup noodles nang bigla-biglang may matinis na boses ang umalingawngaw sa dorm.
Sh*t. Muntik na 'kong mapaso.
Inis kong nilingon kung saan galing ang boses na 'yon.
"Sino ka? Bakit ka nandito?" Takang tanong ko sa babaeng nasa may pinto.
Sasaeng ba 'to?
"Di mo siya kilala?" Nakangiting tanong ni Ken sa'kin.
Umiling lang ako.
"She's our temporary manager." Nakabungisngis pang saad ni Ren bago sila maghigh five nung babae.
Si Mimi?
"Siya yung anak ni Mr. Ferrer?" tanong ko.
Tumango naman silang lahat.
Ah. Ok.
Makakain na lang ulit.
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...