"Oh, nalate ata kayo ng uwi?" Tanong ni Ken pagkaupo ko pa lang sa sofa.
Napatingin naman ako sa wall clock at oo nga naman. 11:27 na nga naman ng gabi. Tch.
Hindi naman sa sinisisi ko si BiBi Gin at nakipaglandian pa talaga siya doon sa Clarissa niya at napagdesisyunan pa nga naman nilang kumain sa labas. Hindi sa sinasabi kong siya ang dahilan kung bakit kami nalate ng pag-uwi... Pero yun na nga talaga ang sinasabi ko. Kasalanan niya talaga at ng kaharutan niya kung bakit kami inabot ng hating gabi.
"Ah, kumain pa kasi si Gin bago umuwi." Sagot ko na lang at medyo nag-inat pa. Kapagod naman this day.
And kairita rin this life.
Clarissa Velasco pa. Tch.
"Kumain ka na?" Tanong ni Ken. Umiling naman ako.
"Ah, saglit lang. Pagluluto kita." Presinta niya at tumayo papunta sa kusina.
"Wag na. Kakagaling mo lang din sa photoshoot, 'di ba? Pagod ka pa rin kaya."
"Hindi pa rin naman ako nakain. Magluluto na talaga ko bago ka pa dumating, isasabay ko na lang 'yung kakainin mo." Paliwanag niya bago ngumiti.
Ang bait naman po ni Ken.
"Thank you."
"Dōitashimashite"
Nanlaki naman ang mata ko.
"You speak japanese?" Di makapaniwalang tanong ko. I mean, obviously he can. He just said "you're welcome" in japanese, duh! Ang talino ko talaga minsan.
Tch. Baka.
"Medyo lang. Sa Japan kasi kami tumira nung bata pa lang ako. Hindi na ko masyadong fluent since ilang years lang naman kami doon tapos bumalik na rin kami dito." Paliwanag niya.
Sinundan ko siya papuntang kusina.
Wala eh, usi ako eh.
"Talaga?! Lagi kaming nagbabakasyon doon nung bata pa lang ako eh."
"Talaga?" Tanong niya habang nakatalikod sa'kin.
Umupo naman ako sa upuan at pinanood siyang magkikilos doon.
"Oo kaya. Sa Himeji."
Naalala ko pa nga 'yung naging friend ko doon eh. Well, enemy at first sight kami since nilait niya muna 'yung buong pagkatao ko bago siya naging nice sa'kin.
Tinawag niya 'kong debu. Hindi ko pa alam 'yung meaning noon dati since hindi naman ako maalam mag-nihonggo. So, nginitian ko lang siya saka kami naglaro buong araw. At buong araw, 'yun lang ang tinatawag niya sa'kin, tapos bigla na lang siyang tatawa. He speak english din naman so nagkakaintindihan pa rin kami.
Tapos malaman-laman ko sa papa ko, puro panlalait pala 'yung tawag sa'kin nung lalakeng 'yun. Like, OMG! How dare he call me fatty?! Yes, debu means fatty.
Umiyak pa nga ako nung sinabi sa'kin ni Papsi yung meaning noon eh.
Kinabukasan, may tawag na rin ako sa kanya. Busu.
Pero tumawa lang siya kaya bati na kami. Tapos naglaro lang kami ulit buong araw.
Naging tawagan na rin namin yun.
Siya si Busu (ugly). Ako naman si Debu (fatty).
Natawa na lang ako sa kalokohan namin nung bata.
"Why are you laughing?" Nakangiting tanong ni Ken sa'kin.
"Ah, wala. May naalala lang ako."
"By the way, uhh-"
Napakunot naman ang noo ko.
"Ano 'yon?" Takang tanong ko.
"I can only cook... noodles?" Nakangiwing saad niya saka itinaas ang dalawang cup noodles sa kamay niya.
Natawa na lang ako.
Napakayabang ni kuya kanina o. Pagluluto daw ako, noodles lang pala.
Buti na lang-
"Favorite ko ang noodles." Nakangiting sagot ko.
Ngumiti rin naman siya saka nilagyan ng mainit na tubig 'yung cup.
"Next time, pagluluto na talaga kita ng masarap na pagkain." Saad pa ni Ken bago ilapag sa harap ko 'yung inihanda niyang noodles.
Tumango naman ako.
"Sabi mo 'yan, ah."
"Oo naman."
"Hindi niyo ba ko aalukin?"
Napalingon naman kaming pareho ni Ken kay Gin na nakadungaw sa may pinto ng kusina.
"Kakakain mo lang ah?"
Ngumiwi lang siya.
"Sabi ko nga." Rinig ko pang bulong niya. "Sige, pasok na 'kong kwarto."
Tumango lang kami ni Ken.
"Sarap ah." Comment ko saka humigop ng sabaw.
"Eh ako, hindi niyo aalukin?"
Napalingon ulit kami ni Ken sa may pinto at nakita namin si Ren na ang daming bitbit na itim na plastic bag.
"Sa dami ng dala mong pagkain dyan, sa tingin mo aalukin pa kita?" Biro ni Ken.
Tumabi naman sa'kin si Ren at ibinuhos ang lahat ng laman ng plastic bag sa lamesa.
Grabe, ang daming pagkain. Magmula sa chocolates, hanggang sa sandamakmak na slices ng cakes.
Halimaw si kuya.
"Galing akong convenience store."
Ng ganitong oras?
"Nagutom kasi ako."
Oh.
"Sa'yo na lang 'tong isa." Sabi niya sa'kin bago iabot ang isang chocolate bar.
"Isa lang?" Reklamo ko.
Sinamaan niya naman ako ng tingin.
Shocks, cute mo pa din.
"Joke lang. Salamat!"
"Eh ako?" Tanong ni Ken kay Ren saka inilahad ang palad.
Bigla namang hinakot ni Ren lahat ng pagkain niya saka ibinalik lahat sa plastic bag.
"Ang damot mo sa noodles, sa tingin mo bibigyan pa kita?" Asar pa ni Ren habang ginagaya ang tono kanina ni Ken.
Bumalik naman si Ren sa kwarto niya matapos pagdamutan si Ken.
Nagkatinginan na lang kaming dalawa.
Nakanguso lang siya.
Aww. Kawawa.
"Hati na lang tayo." Alok ko saka binuksan 'yung chocolate bar na bigay ni Ren saka hinati.
"Oh." Abot ko.
Kukunin niya na sana pero may naunang kamay na umabot doon sa piraso nung chocolate.
"Salamat."
Napalingon naman kaming pareho kay Zen na inisang lamon lang 'yung chocolate na ibibigay ko dapat kay Ken. Mamukat-mukat pa ang mata. Halatang kakagising lang.
"Thanks." Sabi naman ni Vin saka kinuha ang natitira pang chocolate na nasa kabila kong kamay.
Nagakatinginan ulit kami ni Ken.
"Wala ng chocolate."
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...