JC

73 10 1
                                    

Pagkatapos naming maglunch ni Ivan, hinatid niya rin ulit ako pabalik sa venue tapos umalis na siya. Pinapabalik na daw siya sa office ni Papsi.

"Where were you?"

Napangiti naman ako ng makita si Gin.

"Naglunch lang kami sa labas tapos-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang mapansing nasa tabi niya si Clarissa at sabay silang kumakain sa isang lunch box.

Napahigpit naman ang hawak ko sa paper bag na nasa likuran ko.

"Kanina ka pa kasi hinahanap nito ni Gin eh. Napabilis kasi 'yung scene namin kanina kaya napaaga 'yung break time." Kwento ni Clarissa.

"Ah, sorry."

"Wait, napansin ko na magkausap kayo kanina nung sikat na Instagram hottie. Ivan Mendel, right? Saan kayo pumunta?" Pag-uusisa pa ni Clarissa.

"Dyan lang sa may restaurant sa labas."

Pansin ko naman ang bahagyang pagkunot ng noo ni Gin.

"Naglunch kayo together?" tanong ulit ni Clarissa.

Tumango naman ako.

"Nagpaalam ka man lang sana." Walang emosyong saad ni Gin.

I did.

"I wro-"

"At anong klaseng manager ang inuuna pa ang date niya kesa sa trabaho niya?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

"Mind you, Miss Ferrer. You're my manager. You are supposed to be there 24/7. Hindi 'yung ako pa ang maghahagilap sa'yo."

"Gin-" Pigil ni Clarissa.

"Kung simpleng pag-assist sa'kin, simpleng pagalala sa lunch ko, hindi mo magawa, what are you supposed to do? Hindi porke't anak ka ng boss ay gagawin mo na lahat ng gusto mo."

I did brought you lunch.

I wanted to defend myself pero hindi ko magawa. I'm at fault, I know.

"Inuuna pa kasi ang sarili eh. F*ckin' unprofessional." Huling sabi niya bago tumalikod.

"Sorry."

Napalingon naman ako kay Clarissa.

"Okay lang." Nakangiting saad ko. "Kasalanan ko naman."

"Pagpasensyahan mo na 'yon. Bad mood lang 'yon at nagkaproblema kanina sa shooting. Tsaka nature na talaga niya ang pagiging masungit. Kapit lang." Paliwanag niya pa habang nililigpit ang pinagkainan nilang dalawa.

"Una na 'ko."

Nakangiti naman akong tumango.

Tinitigan ko ang likod niya hanggang sa tuluyan na siyang makalayo.

Please don't be too nice. How am I supposed to compare myself to you if you're like this? Well, I could. Kaya ko namang ikumpara ang sarili ko sa'yo. But whenever I do, matatalo lang ako.

How could I make him fall for me if you're there. Doing nothing and still be f*ckin' beautiful.

Just- Just how can I be you?

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon