Fansign | Ren

153 16 2
                                    

"Teka, bakit kailangan ko ring pumila?" Reklamo ni Justin habang hila-hila ko siya.

And I was like-

"Duh! Of course you have to. This is your once in a lifetime chance na makaface-to-face ang Bulletproof!"

Napangiwi naman siya.

"I'm not even a fan."

Sa bagay.

"Pero sayang naman 'yung ticket mo- na siyempre ako ang bumili."

"Fine, fine. Pipila na 'ko." Pasukong saad nito saka hinablot sa kamay ko ang extrang album na dala ko.

Yass! Dalawang album ang malalagyan ng signature ng Bulletproof? That's like... heaven!

And I'm like... so conyo! So I'd better stop, 'cause you know naman...

"Hoy, para ka na namang baliw d'yan, Cee. Nausad na 'yung pila oh." Saad ni Justin saka tinuro 'yung pila sa harap ko.

Aba, oo nga 'no.

Astig!

Kaunting hintay na lang matutuloy na ang love story namin ni Bibi ko.

"Ma'am, buti naman po at nagkaroon po kayo ng time para bisitahin ang event na 'to." Biglang saad ng isang babae sa gilid ko.

Paglingon ko ay agad ko siyang namukhaan.

"Ay, hello Ate Cess!" Bati ko sa kanya bago bumeso. Isa siya sa employee ng Papa ko.

"Ganda ng pagkakaorganize niyo sa event, swear!"

"Salamat, Ma'am."

Napasimangot naman ako.

"JC na lang po, Ate Cess." Reklamo ko sa kanya. Napangiti naman siya bago tumangu-tango.

"Sige, una na 'ko ha. Enjoy kayo." Nakangiting saad pa ni Ate Cess bago umalis sa harap namin ni Jus.

"Sino 'yon?" tanong naman ni BFF.

"Employee siya ni Papa."

"Ahh."

Shemay!

Pitong tao na lang ang pagitan namin ni BiBi ko!

Tatlong tao naman ang pagitan namin ni Ren. Heh! Mamaya ka sakin, 'ta mo! Pagbabayaran mo ang pananakit mo sa BiBi ko.

"Hello, Miss-"

Napalunok naman muna 'ko bago kinompose ang sarili. Kalma lang, Cee. Kalma lang. Si Ren lang 'yan. Siya lang naman ang nanakit sa BiBi mo.

"JC." Walang emosyong saad ko saka inilapag sa harap niya ang album na pipirmahan niya.

"Namumukhaan kita." Saad pa niya tsaka tinitigan ang mukha ko.

" Saad pa niya tsaka tinitigan ang mukha ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinaktan niya ang BiBi mo, Cee.

Tandaan mo, sinaktan niya ang BiBi mo.

"Ah! Pumunta ka din sa Fansign namin last year, 'di ba?" Malawak ang ngiting kwento niya pa bago masayang pinirmahan ang album ko.

Syet.

Sorry, BiBi ko.

Hindi naman ako nagtataksil pero... Ang gwapo rin talaga ng damuhong 'to eh 'no? Hindi ko kinaya!

"Next." Sigaw ng organizer kaya ipinasa na ni Ren kay Ken 'yung album ko.

Lilipat na rin sana ako sa harap ni Ken-

"Wait! High five tayo, JC" Nakangiting saad pa rin ni Ren saka itinaas ang parehong kamay.

Wala naman sa sariling itinaas ko ang kamay ko at-

MYGAHD!

SAPAT NA ANG HIGH FIVE! PERO... INTERTWINE, BES! MYGAHD TALAGA!

"Punta ka ulit next time ha?" Saad pa niya.

Ako naman ay nakangangang tumango saka sabog na lumipat sa harap ni Ken.

Nagtataksil ba 'ko kay Gin?

Why am I so kinikilig?

Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon