"Cee!"
Narinig ko ang malakas na sigaw ni Rina mula sa ibaba pero nanatili lang akong nakapikit at lalo pang isiniksikang sarilisa ilalim ng kumot.
I'm too tired.
"Cee, may nagpadala sa'yo! Kuhanin mo daw sa may lobby." Muling sigaw niya pa.
"Ikaw na lang ang magreceive!" Sagot ko na lang saka pinilit matulog.
Panigurado namang kay Papa na naman galing 'yan. Siya lang naman ang mahilig magpadala ng kung anu-anong gamit sa condo ko- namin pala ni Rina.
"K. Fine."
Napabuntung-hininga na lang ako saka inalis ang kumit sa mukha ko at tumitig sa kisame.
Nakakapagod pala.
Dati naman ay masaya ako sa pinagtatrabahuhan ko pero ngayon... parang sobrang nakakapagod na. Hindi na ko nag-eenjoy, 'di tulad ng dati. Toxic.
Napapaisip tuloy ako kung gusto ko pa bang ituloy 'to.
I shoud have just accepted dad's offer.
I mean, eventually, mangyayari at mangyayari pa rin naman 'yon. Dine-delay ko lang.
Come to think of it. Hindi pa naman ako ang magte-take over eh.Magte-training pa lang naman ako. Wala namang problema doon.
Napabuntung-hininga na lang ako.
I really need to reconsider things. don't I?
"Cee?" Rinig kong tawag ni Rina mula sa labas ng kwarto ko at nasundan pa ito ng ilang pagkatok.
Napilitan naman akong bumangon para pagbuksan siya ng pinto.
Paglabas ko ay bumungad sa mukha ko ang isang basket ng bulaklak.
"Ito 'yung padala sa'yo, oh. Ikaw, di ka nagsasabi, ha. May manliligaw ka na pala." Pang-aasar pa niya kaya naman nabatukan ko siya.
Abnormal eh.
Hinablot ko na lang sa kanya 'yung bulaklak saka siya pinaglockan ng kwarto.
"Ako ang maid of honor mo, ha!" Pahabol niya pa.
"Baliw ka!" Sigaw ko na tinawanan niya lang. Napairap na lang ako sa sarili. Kahit kailan talaga!
Kanino ba kasi galing 'to?
Tinititigan ko lang yung mga bulaklak.
I don't know why- but- I can't keep myself from smiling.
Just by looking at these flowers put me at ease. Weird.
Eh kung tutuusin, fake naman 'tong mga 'to.
Still, ang cute nila.
Humugot ako ng isang bulaklak at napansin kong sa dulo nito ay may nakapulupot na isang kulay dilaw na papel.
Kinuha ko 'yon at binuklat.
Shocks.
Ang panget po ng hand-writing, syet.
"Don't be sad. Smile." says the letter.
Napakunot ako ng noo.
"How does this person even know I'm sad?" I whispered to myself as I plucked yet another flower from the basket ony to find another paper attached to its stem.
"I know works could be tough sometimes. Trust me , I know. Danas na danas ko siya ngayon. But I know you can do it! And if sobrang nahihirapan ka na talaga at hindi mo na kaya, just think about it. Twice, thrice, or maybe a hundred times? And if just merely thinking about it is still exhausting, maybe that job wasn't really for you."
Ano daw?
Translation, please.
De, joke lang.
Teka nga, sino ba ang nagbigay nito?
Bakit alam niya yung pinoproblema ko eh wala naman akong ibang pinagsasabihan? Kahit nga kay Rina, hindi ko kinukuwento 'yung problema ko sa trabaho eh.
Sino bang nagbigay nito?
"A.M.?" Mahinang basa ko sa initials na nakasulat sa ilalim ng bawat papel.
Sinong A.M.?
"Smile. You look prettier when you smile."
'Yan ang nakasulat sa isa pang papel na biglang nahulog mula doon sa basket. Smile?
Should I?
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...