"Oh? Bakit naman sambakol 'yang mukha mo?"
Inirapan ko lang si Rina saka ibinaon ang mukha sa yakap kong unan.
Naramdaman ko namang kinurot niya ang tagiliran ko kaya napabalikwas ako.
"Aray naman! Bakit ka nagungurot? Inaano ba kita?" Inis na reklamo ko habang hinihimas ang bandang bewang. Ang sakit kaya!
"Ano ba kasing problema mo at todo mukmok ka dyan? Break na ba kayo ni Justin?" Nanunuksong saad pa nito kaya hinambalos ko ng unan sa mukha.
"Baliw, bestfriend ko lang 'yon!"
Tiningnan niya lang ako na parang hindi siya naniniwala. Para talagang baliw 'to. Alam naman niyang loyal ako sa bhe ko.
"Oh, eh bakit kanina ka pa nakasimangot?" Pangungulit pa rin ni Rina sakin.
Lalo naman akong nainis nang maalala ang dahilan ng pagkakaganito ko.
"Eh ang bobo naman kasi ni Gin eh! Salubungin daw ba yung umaandar na motor? Ano namang laban ng patpatin na yun sa transformers 'di ba? Ayan tuloy, naospital! Di kasi nag-iingat! Paano na ang future naming dalawa? Paano na ko kung wala siya? Pano na- ARAY! Bakit ka nambabatok?!" Reklamo ko pa habang hinihimas ang batok ko.
"OA mo naman kasi, Cee eh! Hindi mo ba napanood ng buo yung balita? Ayos naman daw ang kondisyon ng idol mo. OA mo talaga. May pa future, future pang nalalaman. Ilusyonada."
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ang sakit mo magsalita ah! Pag naging kami talaga ni Argin "BHE QUOH" Montero, who you ka sakin."
Tinawanan niya lang ako.
"Asa lang ng asa, girl."
Tsk. Inggit lang siya kasi... kasi wala kayong pake! Basta inggit siya sakin, tapos!
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...