Day 7 na ng shooting ni BiBi ko, mygahd! Proud, manager here.
Puro compliments ang natatanggap niya sa director and producers. Kahit ang ibang mga staff, walang masabing panget sa kanya. Parang ako lang, walang makitang mali sa ginagawa niya. Hihihihi, landian ko pa ba o sapat na?
"Windang ka na naman, gurl."
Napatingin na lang ako kay Shelly.
"So gwapo naman kasi that boy." Bulong ko saka inginuso si Gin BiBi na busy sa pagbabasa ng script niya.
And yes, soul sister na kami ni Ate Gurl. She's so mabait and may bf na siya so safe ang BiBi ko sa alindog niya.
"Hay, sabagay. Kung wala lang ako boyfriend-"
Hindi na niya naituloy ang sinabi niya dahil naitutok ko na agad sa kanya 'yung hawak kong ballpen.
"Sige, ate gurl, ituloy mo 'yang sinasabi mo. Mukhang interesting eh." Banta ko pa.
Natawa na lang siya.
"Joke lang, eto naman."
Good.
"Pero bet ko din 'yung kinuha nilang composer ng ost nitong movie!" Nakangising bulong pa ni Shelly.
"Pakalandi mo." Bulong ko pabalik. "May jowa na't lahat, harot-harot pa din."
Hinampas niya naman 'yung braso ko.
"Bawal na bang magwapuhan sa ibang lalake ngayon? Ikaw nga pinagpapantasyahan mo pa rin 'yung biceps ni Ken eh."
Natahimik naman ako.
"Sa bagay." Sagot ko habang tumatango. Eh so yummy naman kasi. "So da who naman itong bet mong composer?" Tanong ko na lang.
Inginuso naman niya 'yung lalaking kakalabas-labas pa lang sa isang tent.
Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan 'yung lalake.
"Min Yoongi?" Bulong ko.
"Kilala mo?" Tanong sa'kin ni Shelly.
"Oo naman! Paanong hindi, eh senior ko 'yan sa Carsen University. Crush ko kaya 'yan dati. Pero mas bet ko kasi 'yung isa niya pang kagrupo. Si Seokjin Kim! Sikat na sikat yung barakadahan nila sa school namin. Ang gagwapo naman kasi. Pito sila, and lahat pogi!" Mahinang tili ko.
Nagtitili lang kami ni Shelly sa gilid habang nakatitig kay Yoongi da pogi. Hihihi!
Joke!
Ano ba, JC?
Loyal ka kay Gin!
Mas gwapo 'yan kay Seokjin na mabait, gentleman, matalino, hunk, talented, magaling magluto-
STOP!
Gin lang sapat na!
Mas bagay kami ni Gin!
And so good na good na rin 'yung relationship namin ni BiBi ko.
And yes, may relationship kami.
Manager-Alaga kind of relationship.
At least, meron!
Less sungit na rin.
Hindi na rin siya nagcocomplain kapag naglalagay ako ng notes sa mga gamit niya. Hindi katulad nung una.
Kaya Gin over Seokjin pa rin. Loyal ata 'to!
***
"Pwede mo namang sabihin sa'kin 'to ng personal? Bakit kailangan pa ng notes?"
Napatingin naman ako sa hawak niyang papel na may hand-written message ko.
Dear Gin,
Hi! Good morning.
Love,
JC"Nahihiya kasi ako eh." Nakatungong paliwanag ko.
Narinig ko naman ang pagbuntung-hininga niya kasunod ng isang, "Bahala ka na nga."
Napangiti na lang ako sa sarili.
And I can't break my promise with you, right? I promised not to stop writing you letters, no matter what.
***
"Teka nga, mabalik nga tayo, ate gurl. Kailan ba dadating 'yang gaganap na ex ni Samuel (role ni Gin sa movie)? Malapit-lapit na 'yung shooting nung scenes nila, 'di ba?" tanong ko kay Shelly.
Tumangu-tango naman siya.
"Ang sabi ni direk kahapon, pupunta daw dito ngayon 'yung gaganap na Seri (ex ni Samuel) para ma-introduce formally sa casts and iba pang mga staff."
Ahh.
Ngayon na pala?
Napalingon naman ako ng marinig ang pagpasok ng isang puting van sa venue.
Dahan-dahang lumabas ang isang babae at WTF?!
Miss Cherry Fortaleza?!
'Yung model na nakasama ni Gin sa photoshoot na crush niya daw na nagbigay sa'kin ng autograph?!
That Cherry?!
So si Cherry si Seri?!
Hala siya.
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...