Syet, isa pang gwapo.
YOKO NA BES!
"Name?" Nakangiting tanong niya sa'kin.
"Ah, JC." Nahihiyang sagot ko saka tinitigan ang album.
Mygahd, hindi ko siya matitigan ng ayos baka biglang matunaw, mahirap na.
"Kamusta na nga pala 'yung aso mo?" Biglang tanong niya kaya napanganga na lang ako.
"Huh?"
"Ikaw 'yon, 'di ba?"
Luh siya, ang talas ng memory!
"Sabi mo sa'kin nagkasakit dati 'yung aso mo, muntik ka pangang umiyak non eh." Seryosong saad niya. Iniisip siguro kung tama ba ang pagkakatanda niya.
Ngumiti na lang ako.
"Wala na si Chicken." Malungkot na sabi ko kay Ken. Nabanggit ko kasi sa kanya niya 'yon nung minsang nagfansign sila.
Nanlaki naman ang mata niya saka humingi ng sorry.
Umiling lang ako.
"It's fine. Masaya na siguro siya sa heaven."
"I'm sorry to hear that." Malungkot pa ring saad niya.
"Okay nga lang. Bawal ang malungkot dito, smile ka na."
"Only if you do."
Pinakita ko naman sa kanya ang million dollar smile ko kaya napangiti na rin siya.
"You look prettier when you smile." Saad niya saka nakipaghigh-five sa'kin.
"Next."
Wait, what?
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...