"At bakit nagngangangawa ka na naman dyan sa sulok?" Taas-kilay na tanong ni Rina sa'kin.
Hindi ko siya pinansin at nagtalukbong lang ako ng kumot.
"Tumayo ka nga dyan! Wag kang feeling burrito, 'di ka yummy, pwe!"
Hindi pa rin ako umimik.
Hindi nagtagal naramdaman ko nang hinihigit ni Rina 'yung kumot na pinantataklob ko sa buong pagkatao ko.
"Eehhhh, ano ba?!" Reklamo ko nang tuluyan na nga niyang makuha sa'kin 'yung kumot ko.
"Ano na naman ba kasing inaarte mo? Pinagtaksilan mo na naman ba 'yang Gin mo?" Poker-face pang tanong ni Rina.
Natahimik naman ako.
Enebe! Kinilig naman kasi ako sa "Gin mo" eh.
Pero.... going back...
"At sino na namang lalaki ang pinagpantasyahan mo? Si Ren ba? Si Zen? Si Ken? O si Vin?"
Napabuntung-hininga na lang ako.
"None of the above." Walang ganang sagot ko.
Lumipad naman hanggang sa space ang kilay niya.
"At may iba ka pa palang pinagpapantasyahan? Spell maharot?"
Sinimangutan ko lang siya.
"Ano ba?! Hindi naman kasi 'yon ang pinoproblema ko."
"Eh ano nga kasi?"
Napatikom naman ang bibig ko.
"Magsasalita ko o iwawasiwas ko sa pagmumukha mo 'tong remote control na hawak ko. Pili!"
Ang brutal po.
"Eh keshe nge-"
"Suntukin ko kaya 'yang ngala-ngala mo nang maayos naman 'yang pananalita mo, ano?" Pikon nang saad ni Rina kaya inayos ko na 'yung pagkukwento ko.
"Eh kasi nga nagtext kanina sa'kin si Popsicle Papsi ko."
"Ang bakla mo magsalita."
"Pwedeng mamaya na 'yung side comments. I'm making kwento here, oh." Irap ko pa.
"Conyo ang bruha." Rinig ko pang bulong nito kaya binato ko siya ng throw pillow.
"So yun nga, nagtext si Popsicle papsi-"
"Nagtext 'yung tatay mo."
"Oo. Sabi niya, magresign na daw ako sa trabaho ko."
"Bakit daw?" Tanong niya.
Napanguso na lang ako.
"Ah, so sa'yo na pinapahandle 'yung company niyo?" Hula pa niya.
Tumango naman ako.
"Oh, anong problema don eh 'yun naman talaga ang balak niyong mag-ama dati pa?" Naguguluhang tanong pa ni Rina.
"Hindi naman 'yun yung inaalala ko eh."
"Eh ano nga kasi?" Nagtitimping tanong pa niya. Halatang inip na inip na sa kinukwento ko.
"Sabi niya matanda na daw ako." Malungkot na sabi ko.
"Hindi ba totoo 'yon? So feeling mo baby ka pa? Hala, sige, igagapos kita mamaya sa diaper. Lecheng tyanak 'to."
"Rina naman eh!" Maktol ko pa. "Like, he just told me to stop fan girling na, because I'm old na, like no! Ayaw ko! Hindi ko iiwan si Bibi kows! Like never ever ever nev-"
"Sana may pake ako." Walang emosyong saad nito saka tumayo mula sa sofa at naglakad palabas ng sala.
Napangiwi naman ako.
"Tingnan mo 'yon. Hindi man lang ako kinomfort. Azar."
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...