Dear Gin,
Alam ko naman eh. Alam ko naman malabong mapansin mo 'ko. Sa dinami-rami ba naman ng mga babaeng nagkakandarapa sa'yo? Sa libu-libo ba namang mga tao na handang makipagpatayan, makita ka lang? Sino lang ba 'ko?
Si JC lang naman na ang ginagawa lang sa buhay ay padalhan ka ng mga walang kakwenta-kwentang sulat.
Pasensya na, hanggang dito lang ang kaya ng powers ko.
Hindi ko naman kasi kayang bilhin 'yung buong pagkatao mo eh.
Hindi rin naman ako kagandahan para mapansin mo.
Pasensya na, ha.
Baka nga nakukulitan ka na sa'kin at sa mga letters ko.
Ititigil ko na ba?
Love,
JC
BINABASA MO ANG
Letters to a Rockstar [Jin Fanfic]
Short StoryHi, Gin! Ako nga pala yung nakatabi mo one time sa home economics class nung grade 5 tayo. Hindi tayo magkaklase pero namali kasi ako ng pasok ng room noon. Napahiya pa nga ako eh. Pero nakakatuwa talaga kasi tinawanan mo pa 'ko noon. Masiyahin ka s...