Jessa's PoV
2 years passed. Grade 10. Batch 2016-2017
5:50 a.m. Monday. Oct. 10, 2016
"Anak kain na." sabi sakin ni Papa habang pababa ako.
"Baka malate ka na naman." Hinanda na ni Papa ang umagahan at nilagay sa lamesa.
"Opooo." sagot ko ng mahaba. Inaantok pa rin ako. Ang dami na naman kasing assignment.
Umupo ako at binuksan ang T.V
"Alas kwatro ng hapon ay may tyansang bumuhos ang ulan." ulat ng weather forecaster.
"Pssh. Balita lang naman pala." Pinatay ko na agad.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pajama ko.
Dannica sent a photo
4 hours ago.
Jessa basahin mo toh!Bumulugta sa chat namin ang isang nakakatakot na picture. "Jusme. Mamaya yan sakin si Dannica."
"Once you look at this picture, it'll haunt your dreams. Have a sleep and make sure it's true."
Normal lang yung picture pero iba ang nararamdaman ko dito. Hindi ko nalang pinansin at nagmadali na ako sa kilos.
"Pa. Alis na ako!" sigaw ko.
Tinakbo ko na dahil late na naman ako. Napansin kong nagkakagulo ang mga tao sa labas. "Anong nangyayari?" tanong ko sa bata.
"May nasagasaan po." sagot niya.
Nakita ko ang dugo sa lapag. Napatakip ako ng bibig.
"Humingi kayo ng tulong! Yung kuya ko!" sigaw ng isang bata. Tumatayo ang balahibo ko.
"Grabe. Ganyan kasama ang mundo." bulong ng nasa likod ko.
"Xandre?! Nagulat ako sayo! Letse ka." sabi ko. Nakita ko si Reyes.
"Ano nangyari?" tanong ni Reyes.
"May nasagasaan daw." sagot ko.
"What the heck? May dugo pa." gulat niyang sabi.
"By the way, bakit late ka na naman? Diyan lang bahay mo." sabi ni Xandre.
"Kami okay lang malate, malayo lang bahay namin ni Xandre." asar ni Reyes.
"Sorry ah! Halika na nga." sabi ko.
Parang wala lang yung nangyari sa kanila.
Pumasok na kami ng school. Pasalamat kami wala pang teacher. Lahat busy sa ginagawa nila. Nakikipagdaldalan at may ginagawang takda.
Umupo na ako sa upuan at nilapag ang ulo sa lamesa. Antok na antok pa ako.
Biglang dumating yung teacher.
"Let's start the class. Kailangan nating humabol sa lesson." sabi ni Mrs. Lemer.
Pch. Lagi namang naghahabol sa lesson. Kung sana si crush yan.
BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Mystery / ThrillerThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...