6:10 a.m January 19, 2017
Aurora's PoV
Nandito ako muna ngayon sa bahay namin. Naiwan ang tatlo sa Seiken Dormitory dahil hindi pa rin tapos ang National Exam. At dahil doon ay naconsider muna ang kasunod naming section na Amity dahil literal na apat na lang talaga kami.
Miss ko na rin 'tong pamilya ko. Kahapon lang talaga ako nagising sa comatose. Akala nila wala na talaga ako. Himala daw na buhay pa ako. Pero may bagay na nagtulak sa akin na gumising. May inabot akong kamay pero ewan ko kung kanino. Itim na kamay. Kamay na puno ng kadiliman. Ang isa pa sa nambubulabog sa akin ay itim din ang aking kamay. Ano ibig sabihin nun?
Ayun lang naalala ko. Parang natulog lang ako sandali at ayun gising na ako. Nagising ako sa panibagong bangungot. Akala ko paggising ko tapos na pero hindi pa. Alam kong hindi pa.
"Anak kain na. Kanina ka pa nakatulala." sabi ni Mama at hinawakan ako sa kamay. Nakatingin pala ako sa picture naming magkakaklase. Ang saya pa namin dito.
"Ah. Namiss ko lang po sila." ang nasabi ko nalang.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Napansin kong nakatingin pa rin sila sa akin. "Bakit po?"
"Natutuwa lang kami na gising ka na." sabi ni Papa.
"Ako rin papa. Dapat move on! Magsimula uli. Ganun!" masaya kong sabi. Tumawa lang uli sila. Susubo na sana ako uli ng kanin nang matapon ang tubig sa cellphone ko. "Hala!" bulalas ko. Nagshutdown ang cellphone ko agad-agad. "Ano ba yan." matamlay kong sabi. Sira agad amputek.
"Nako. Kunin mo yung sim. Tsaka memory baka ayos pa. Bibili ka nalang namin ng bago." sabi ni Papa.
"Thank you pa! Una na nga ako! Papahatid na lang ako kay Manong." paalam ko sabay halik sa kanilang mga pisngi.
+++++
Pumasok ako sa school ng walang cellphone pati soundtrip. Boring pag naglalakad. Walang buhay.
Habang naglalakad ay nadatnan ko sa harap ng canteen ang isang bully at syempre ang biktima niya.
"This thing never changes." nakangiti kong sabi. Lumapit ako sa bully at tinapik siya.
"Alam mo bang salot ka sa lipunan? Inaano ka ba niyan?" irita kong tanong.
"Oh look. The Queen Bee is awake!" tuwang-tuwa niyang sabi. Binigyan ko lang siya ng "wala akong pake" na titig.
"Stop that." utos ko dahil patuloy pa rin siya sa pagkuha ng mga notes ng isang estudyante.
"Dapat pala hindi ka nalang nagising. May epal na naman." sabi nito. Aba!
"Dapat hindi ka nalang nabuhay, kung ganyan lang din gagawin mo sa buhay." sabi ko naman. Ngumiti lang siya. Baliw ba 'to?
"Hmm. Let me rephrase that. Dapat nasama ka nalang doon sa mga kaklase mong natusta." sabi niya sabay tawa. Ang dami na palang tao. Nakaramdam ako bigla na parang sasabog sa akin.
Hindi ako nakapagpigil at nakatumba na pala ang lalaki at pinipigilan na ako ng ibang estudyante.
"Aurora!" sigaw ng pamilyar na boses. "Hayaan mo na yan! Baka madamay ka pa sa record!" sigaw sa akin ni Sandra sabay hila sa akin. Nandito rin si Ashley at Kristan.
Naglakad kami palayo pero ayaw mahiwalay ng mga titig nila sa amin.
"She's awake."
BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Mystery / ThrillerThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...