11:10 p.m
Ryan's PoV
Hindi kinakaya ng nanghihinang katawan ko ang mga nangyayari ngayon. Buti nalang nandito si Reyes para tulungan ako. Inalalayan niya ako papunta sa ospital.
Iba ang scenery sa ospital. Walang tao. Wala ring mga staffs pero ang mga pasyente ay nasa loob ng kwarto.
"Mga coma patients lang ang nasa kwarto." sabi ni Reyes.
Ngayon ko lang napasin. Oo nga. Mga coma patients lang or either na pasyente under the influence of anesthesia.
Palakad kami papunta sa double door na nag kokonekta pa sa ibang kwarto at mga surgery rooms at morgue.
Nagulat kami sa pagbukas namin. Sa buong hallway ay puro katawan. Mga tao na nakahandusay sa lapag. Duguan. Sa lagay na yan, sigurado di na sila buhay.
Nilapitan ni Reyes ang isang katawan at hinawakan ito sa pulso niya.
"Di na ito humihinga." sabi niya. Sabi na nga ba. Iba ang pakiramdam na nakakakita ako ngayon ng mga patay. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko. Ang ibang katawan naman ay wala nang kamay o paa, madalas ay ulo.
May narinig kaming isang tunog ng chainsaw. Tumayo ang balahibo ko dito. Kasunod nito ay may taong tumatakbo.
Lalapitan ko sana pero may sumigaw ng tulong. Pinigilan ako ni Reyes.
"Wag! Maaring yan ang killer!" sabi niya sakin. "Wala nang dapat sumunod na mamamatay."
Tama siya.
"Magtago nalang tayo." sabi ko. Pumasok kami sa isang kwarto. Parang janitor's room. Sinarado namin ito ng bahagya. Palapit ng palapit ang tunog ng takbo. Sumilip ako ng kaunti.
"Si Cristine!" bulong ko kay Reyes.
"Cristine?" pagtataka niya.
"OO! Tulungan natin siya."
Tumakbo siya papunta sa amin kaya hinablot namin siya at pinasok sa kwarto. Tinakpan ko bibig niya dahil dumaan na ang killer na may hawak na bonesaw, dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko. Ayaw kong imaginein na mamatay ako gamit yun.
"Mhmmm!" sinusubukan niyang kumawala.
"Shhhh." saway ni Reyes.
Nung medyo wala na ang killer ay sumilip ako uli. Nakita ko siya paiba ng direksyon.
"Phew. Wala na." sabi ko.
"Reyes. Ryan!" sigaw ni Cristine. Yinakap niya kami at umiyak ng todo.
Ang dami niyang sugat at pasa. Ang kamay niya ay dumudugo pero binalutan niya ito ng benda.
"Ayos ka lang?" tanong ni Reyes.
"Ayoko na! Ayokong mamatay! Bakit ganito ginagawa satin?!" Ito lang ang tanging nasagot niya.
BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Gizem / GerilimThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...