5:30 p.m.
Ivan's PoVKumuha ako ng pantakip sa kaklase nilang si Iravel. "Sorry for your loss." sabi ko sa lalaking mukhang kasintahan niya. Hindi siya kumibo. Kabataan nga naman. Tinignan ko ang pool na kulay dugo. Paano nagagawa ng kasing edad lang nila ang mga ganitong bagay?
Kung kaklase nga nila, masyado siyang matalino. Malinis lahat ng krimen na ginagawa niya. "Drain the pool." Pumunta ako sa kwartong sinasabi nila kung saan sila nakatulog. Nandito pa rin ang mga gamit nila.
Napansin kong nakalabas ang mga pinaginuman nilang tubig, kaya nilapitan ko ang water dispenser. Pinulot ko ang tableta na nasa lapag. Pinatulog nga sila.
May posibilidad na pumasok kagad ang killer dito at nilagyan ng sleeping pills ang dispenser ng hindi nila namamalayan.
Naalala ko na naman yung mga tingin niya sa akin. Alam kong kinamumuhian niya ako pero sana tratuhin niya sana akong tatay. Kinuha ko ang litrato naming oras na hindi pa ako gago at niloko ang nanay niya.
"Dannica. Sorry." sabi ko.
Kita ko kahapon sa mata niya ang pagkagulat at galit. Kung paano ako pumasok sa kwarto nila. Kung paano ko lokohin ang sarili ko at pamilya ko.
Pasensya na Dannica pero hayaan mo kong kahit dito lang ay maprotektahan kita.
Ashley's PoV
6:01 p.m.
Niligpit ko ang pinagkainan ko at nilagay sa lababo. Kinuha ko rin ang mga boteng nakakalat sa lapag at tinabi ito. Hindi na siya natigil simula nang mawala si Mama. Ramdam ko na rin namang mawawala na rin ako. Things had really changed. Kung tama lang ang naging daloy dalawang taon nakakalipas, alam kong hindi dapat nangyayari ang ganito.
Ginising ko si Papa para makatulog siya ng maayos. "Huwag mo nga akong pakielaman." Tinabig niya ang kamay ko. "Kaso papa malamig na dito. Halika na akyat na tayo sa taas. Lasing ka na naman eh." Hindi na siya sumagot. Kumuha nalang ako ng kumot para hindi siya ganoon malamigan.
Umakyat na ako sa taas para gumawa ng mga takda. Napansin kong bukas ang bintana. Lumapit ako dito at sinarado. Nakita ko sa labas ang aso namin pero parang hindi na ito gumagalaw. "Astel?" Napansin kong duguan ito. "Oh my."
"Your dog is noisy." Muntik na akong mapatalon. May nakaupo sa upuan ko. "Sino ka?!" tanong ko. Nakaramdam na ako ng kakaiba simula pa lang, ako na ang susunod. Ang mata niya ay bukang-buka, ang ngiti niya naman ay napakataas, abot tenga, ito'y parang hiniwa.
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nginitian niya ako at kinuha ang kutsilyo sa bulsa niya. "Your time has come."
Cristine's PoV
5:30 p.m.
Umalis si Sir Ivan sandali. Nandito pa rin kami sa gym malapit sa katawan ni Iravel. Nakatulala. Hindi alam ang gagawin. Nakatingin lang si Jericho sa katawan niya.
"Let's go." biglang salita ni Dexter. Hinawakan ni Dexter si Jericho sa balikat. "Bitawan mo ko." sabi niya. "Ano ba?! Patay na siya! Ano pa bang magagawa mo?!" sigaw ni Dexter sa kanya. Tumayo si Jericho at sinapak si Dexter. Nagulat ang lahat.
BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Misterio / SuspensoThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...