XII.V: A Smile of Anger and Revenge

99 20 3
                                    

10:32 p.m


Cristine's PoV



Now the tables are turn. Ako naman. Ngumiti ako.


Diniinan ko apak ko sa kanya kaya napamura siya.

"Ituloy mo lang! Para malaman mo ang kahihitnan mo!" sigaw niya. Halatang nasasaktan siya. Dahil sa sinabi niya. Sinipa ko siya sa tagiliran.


"Alam ko. Mamamatay na rin naman ako. Take the chance diba?"


"Sinaktan mo mga kaklase ko. Hindi ka na natuwa, pinatay mo pa sila. Hindi ko rin maintindihan kung bakit mo ito ginagawa? AT ISA PA SINO KA BA?!" pinagsisipa ko siya habang nagsasalita ako.

Hahawakan niya sana ako kaso pinigilan ko siya. Sinipa ko ng pwersa ang kamay niya kaya napamura siya uli.

"SINO KA?!"


"The man who shouldn't be named." sabi niya sabay ngiti.

"Pinagloloko mo ba ako? Ilang beses mo ng sinasabi yan? ha?!"

Ginalaw niya ang isang kamay niya. Pinitik niya ito.


Namatay ang mga ilaw. Ang tanging nagpapailaw lang ay ang buwan sa labas.

"What the heck?" Wala akong makita ni isa.

Gumalaw siya at hinila ako sa paa kagaya ng ginawa ko sa kaniya kanina, kaya napatumba ako.


"Wala akong laban. Ito na yata yun." sabi ko sabay pikit.


Biglang may sumigaw at bumukas ang mga ilaw. Nawala siya? Bumangon ako.


"Ack." Ang sakit ng tagiliran ko at ng likod ko. "Tch."


Anong nangyari sa ilaw? Bakit namatay? Pumitik lang siya namatay kagad? Ano siya magician? Feel ko may mali rito.


"Kailangan kong maging aware." bulong ko.


"Good evening everyone, the hospital will close due to disturbances." sabi ng nurse na nasa mic.

"Ano daw? Diba 24 hours nagbubukas ang mga hospital?"


Biglang nagstatic ang mic. ang sakit sa tenga. Kainis.


Napagpasyahan kong hanapin ang babaeng parang nurse na nagsalita. May mali talaga dito. Sinigurado ko na walang makakapasok sa kwarto.


Nasa hallway ako ngayon, walang katao tao. Sumilip ako sa mga kwarto ng mga pasyente ngunit wala talagang tao. Hinanap ko rin ang guard na pulis yung sinabi ni Sir Ivan kaso wala rin siya.


"Ano na ba nangyayari?" tanong ko. Kinakabahan na ako sa mga mangyayari. Tumingin ako sa mapa ng ospital. Nasa pangatlong hallway yung Pageing Room na yun.


Nasa labas na ako. Sumilip ako sa loob, walang tao, napansin kong may parang casette tape doon. May gumagamit pa ba nun?


Inalis ko muna lahat ng nasa isip ko at pinakalma ang sarili. Naghanap ako ng tao sa loob, wala naman ang nakita ko lang ay yung player ng casette.

Pagpasok ko ay nakita ko ang T.V na may CCTV. Pinapanood pala kami ng killer na yun. Lahat ng kwarto may CCTV kaya alam niya kung nasaan kami. Pumunta ako sa lamesang kinalalagyan ng casette tape at iba't ibang bagay kasama na ang mic.


Kinuha ko ito at may nakasulat na 'I love torture'. Kinabahan ako sa nakasulat pero naglakas loob pa rin ako ipasak ito sa video player. Umupo ako sa harap nito at hinintay mag play. Napatayo ako sa gulat, ang mukha ng walang hiyang killer ang nakazoom.

Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon