X: Crying Won't Help

159 20 2
                                    

Cristine's PoV

Second Year of Junior High

Ang daming tao sa ground. May sari-sariling iniintindi sa buhay. Ito ako tinitignan sila, iniintindi kung paano namin mababayaran ang utang sa pagpapagamot kay Ate. Ang saya pa namin kung sana hindi lang siya nagkasakit.




"And thennn the pie goes to the head." sabi ng pamilyar na boses. Naramdaman ko nalang na may madikit na bagay sa ulo ko. Unti-unting tumulo sa hita ko.



"Ohhh!" hiyaw ng iba. Vincent na naman. Tumayo ako at hinarap ko siya.


"What you gonna do huh?" pasiga niyang tanong. Hindi na ako umimik. Nakita ko ang mga kaklase ko na nakatingin lang at ang iba ay tumatawa. Umupo nalang ako at pinunasan ng dahan-dahan ang pie na nasa buhok ko. Pinipigilan kong hindi ako iiyak at hinding hindi magpapakaawa sa
harap nila. Kaya ko ito. Para sa mga minamahal ko.



Napansin ko bigla na may pie na naman sa table ko. "Diveee!" sigaw na naman ni Vincent. Linublob niya ang mukha ko sa pie. Sinusubukan kong iangat kaso masyado siyang malakas. Naririnig ko ang iba na sinasabing itigil na. Hindi ko inaasahang may pake sila sa akin.



May narinig ako biglang malakas na sampal. Iniangat ko ang ulo ko sa malagkit na pie. Kita ko ang mga gulat ng mga kaklase ko sa mata palang. Tinignan ko ang babaeng nasa tabi ko.



Si Aurora?! Ang Queen Bee?!


"How dare you bully a student here in my campus?!" sigaw niya. Ang astig niya. May chance ba na maging astig ako katulad niya?


"Fuck you! You know that? That slap hurts so much bitch! And who said that you are the one owning this shitty school eh?" sabi ni Vincent.

Kinuha niya ang pie na tira-tira sa lamesa ko." May I?" Tumango ako. Hinagis niya ito papunta sa mukha ni Vincent.

"What the?!" sigaw nito habang pinupunasan niya ang mukha niya. Akmang susugod na ang mga alipores niyang sabog at mga tigang sa buhay.

"I am the Queen Bee, you're just nothing here." sagot niya ng paasar.

"I am in Section One, but you, in the lowest section." pabalik na sagot naman ni Vincent.

"Not anymore." Anong ibig sabihin niya? Ngumiti siya at kinuha ang papel sa bulsa niya. "Amity na kami simula ngayon."



Nagulat ang lahat. Napuno ng bulungan ang lahat. "I'm smarter than all of you, and I can prove it to all of you." sabi niya sa lahat. "I'm in the lowest section because everyone is true to others and can express their own selves instead of this section you had."



"Wait lang! Nalate ba ako sa palabas?!" Biglang pumasok si Sandra.




"Si Sandra din? Ang nabigyan ng penalty dahil sa pagbugbog ng sampung bully!" bulong ni Lyka.

"Grabe."

"Nakakatakot naman sila."


Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon