That is Vernon (Cristopher) and Dahyun (Roan) One of the best OTP here in the story! <3 That is not photoshopped. Nagkasama sila sa iisang show at close sila! Whoo!
Aira's PoV
Naalimpungatan ako sa laway na tumutulo sa gilid ng aking labi. Oo. Nagagawa ko pang maglaway kahit sa lagay kong ito. Lagi pa nga akong inaasar ng mga kaklase ko dahil doon.
...Namimiss ko na sila. Ilang araw na ang lumipas.
"Si Aeronkyle, yung mga turo niya sakin lagi sa English." Napangiti ako. Biglang nawala nang maalala ko ang nangyari sa kanya. Sana kahit kaunting konsensiya may natira pa kina Aila at Vincent. Sana inamin nila. Sana hindi ako nandito.
Kumusta na kaya ang lahat? Lagi kong naririnig ang usapan ng mga pesteng Nex yan na kung sino ang susunod. Ano ba nangyayari? Lagi rin silang bumabalik dito sa kweba nila na takot na takot.
Kahit labag sa aking loob, namimiss ko na rin ang pambubully ni Cedric. Ang pagtataray ni Aila. Sana bumalik nalang ang lahat.
Napansin ko ang pagtuyo ng aking malalalim na sugat at amoy tuyong dugo na ako at nananatiling nakasuot ng uniporme. Kailan ba ako makakawala? Napatingin ako sa malaking lamesa sa gilid ng kweba. Ang notebook na naglalaman tungkol sa Nex. Oo matagal ko na silang sinusubaybayan dahil sila naman talaga ang may kagagawan kina Felix na namatay at si Maxine na matagal ng nawawala.
Kinabahan ako ng may marinig akong kalabog sa labas. Nandiyan na naman sila? Anong oras na ba?
Bumukas ng bahagya ang malaking pinto at may sumilip na tao. Hindi ko siya makilala dahil sa dilim. Sumunod ang nakakakilabot na ngiti nito.
"Long time no see." sabi nito. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Sino siya? Paano niya ito nakita?
"You poor thing."
Hyanna's PoV
12:21 p.m Wednesday
Kumakain kaming lahat ngayon dito sa canteen. Dahil sa kasiguraduhang walang mangyayaring masama kaya ganito na kami palagi. Nakakairita. Mas gusto kong mapag-isa.
"Everyone! Listen!" anunsyo ni Luke sa lahat. "Meron ng ideya kung paano natin madedecrypt ang code." Sa wakas! Meron na. "Sarah. Paliwanag mo nga." Tumayo si Sarah at tinignan namin siyang lahat.
"Actually what we are solving right now is a cipher, similar to the first cipher we solved, the Caesar Cipher. But this cipher is really tough to decrypt. It's two times harder than the Caesar Cipher. The Bifid Cipher."
I don't care. Sila na kumilos. Tutal sila naman ang top students ng Amity. Sarah, Romeo, Rinel, Kristan at Aira. Sila yung tinuturing na elite of the elites. Pero ngayon apat nalang sila. Mag pagyayabang na uli si Aila dahil nakuha niya na ang trono ni Aira.
At speaking of Kristan. Wala siya ngayon. For sure, pag may nawawalang isa sa klase, siya ka agad paghihinalaan. Mahirap na magtiwala. Lalo na't kung ang nasa paligid mo ay mga taong may iba't ibang sikreto na lakas para sa kanila pero kahinaan para sa iba.
Napatingin ako sa leader namin. Dating leader pala. Si Cristopher. Kahit papaano naman ay napatawad na namin siya. Masyado kaming nadala sa emosyon lalo na't dahil sa nangyayari sa amin ngayon, nakalimutan naming damay rin siya.
Lumapit siya papunta sa amin at syempre... Tumabi kay Roan. Buti mabilis gumaling si Roan. Parang himala daw sabi ng mga doktor dahil mga ilang linggo daw gagaling ang isang saksak sa likod.
BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Mystery / ThrillerThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...