6:35 p.m. Wednesday
Aila's PoV
Kumuha si Aaron ng sulo at sinindihan ito.
"Oh my gosh. Hindi ko alam na may ganito sa school!" Hangang- hanga ako sa nakita ko.
"Ngayon alam mo na." sabi ni Aaron.
"Ito ang Cave of Nex. Generations ng Amity ay nagmamay ari nito. Sa amin naipasa ang lugar na ito dahil karapat dapat kami, kahit gagraduate na tayo ay kontrol pa rin namin ang lugar na ito. Kami na ang magdedesisyon kung kanino namin ito papasa. At tsaka ito ang kumokonekta sa iba pang parte ng eskwelahan o minsan labas ng eskwelahan." mahabang paliwanag ni Aaron.
"Ahhh." Ang tangi kong nasabi.
"Nakuha mo ba?" tanong niya.
"Oo. Matanong ko lang. Ano bang ibig sabihin ng Nex?" tanong niya.
"Blood of the slain. Pwede ring to slaughter." sagot niya sabay ngiti.
Napalunok ako sa sinabi niya. Naalala ko na ang nangyari dalawang taon nakakalipas. Nung Grade 8 kami.
"Ka-kayo?" utal kong tanong.
"Oo. Kami nga."
"Kami ang may kinalaman sa pagkamatay ni Felix." sabat ni Vincent.
"Diba sabi niyo hindi na pwede ito ibalik ang Nex at bawal pag-usapan? Eh bakit bumabalik uli?" sunod-sunod kong tanong.
"Dahil may lumapastangan na naman." sabi ni Vincent.
"Gagawin natin uli ang nangyari dati."
Nanigas ang katawan ko sa inamin nila.
"Paano pag hindi uli sumunod?" tanong ko.
"Edi wala kaming magagawa. Papatayin namin uli." sagot niya.
***
2 years ago.
Aila's PoV
Dinuga namin ang national exam para maiangat ang eskwelahan sa biglang pagbaba nito sa rank. Para matuwa samin ang Principal. Para mas sumikat pa ang aming eskwelahan. At magkaroon pa ng pera ang paaralan.
Sa di inaasahang pangyayari ay may nakahuli saming guro. Nagexplain kami kung bakit namin iyon nagawa at utos ito ng Principal ang nakakataas. Hindi siya nagbigay ng pake imbes ay pupunta sa namamahala sa lahat ng eskwelahan para magreklamo.
Kumilos kagad ang Nex para patahimikin ang guro. Pinatay nila ito kahit labag sa loob at dahil na rin sa utos uli ng Principal.
Si Principal Nathan Blackwell.
May gagawin siyang hindi maganda kung sakali hindi namin siya sinunod.
Dahil sa hindi matahimik na bibig ni Felix ay ginusto niyang sabihin ito sa pulis ngunit ay napigilan kaagad. Kasama dito ay si Maxine Resfield. Ang suwail na anak ng Principal. Kahit anak siya ng Principal ay hindi ito pinalagpas ni Principal Nathan. Hindi niya kailangan ng traydor na anak.
"At dahil kumpleto na ang Amity na nanonood sa kanilang mga bahay halina't pakilala natin ang bago nating mga kaibigan." sabi ng mga taga Nex.
BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Misterio / SuspensoThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...