XVI: Truth and Lies

52 13 0
                                    

Cristopher's PoV

June 13, 2016

"Cristopher, sosopresahin niyo lang ang may kaarawan ngayon na kaklase niyong si Alvin, ito ang unang task mo bilang bagong leader ng Nex at alam kong kaya mo at kakayanin mong i-guide ang mga miyembro mo." sabi ni Principal Blackwell.

"Gagawin ko po ang makakaya ko Sir!" masaya kong sabi.

"Sige, basta ikaw na ang bahala basta walang makaalam kung sino kayo. Matagal na natin isinasagawa ito." sabi niya sabay alis sa opisina niya. Sumunod na rin ako palabas. Tinignan ko siya maglakad palayo.

"Ang bait talaga ni Principal Nathan." sabi ko sa sarili.

Pero lumipas ang pamumuno ko sa Nex na puro tulong at pagbibigay saya, umalis ako. Hindi dahil nagsasawa na ako kundi dahil sa isang pagbabago na nagbago rin sa aming buhay.

Pinalitan ako pero ang kapalit ay binigyan ako ng matinding death threat ng walang hiyang Principal na yan. Pinabugbog niya ako at tinatakot na saktan ang mga mahal ko sa buhay. Napagpasyahan kong magpababa ng section para kahit papaano ay mapawi ang kanyang galit. Ayokong magpa transfer dahil sa kagustuhang bumawi dito balang araw.

Pandurugas. Pag-alis. Pagpatay. Pagtago. Paglimot. Pagpatay. Uli.

Simula ng kagustuhan ng Principal ay nagulo ang buhay namin pati na rin ang pagkawala ng buhay ng iba. Ngayon ay babalik din ako para bumawi sa may mga kasalanan pa sa akin.

Collin's PoV
8: 23 a.m.

"Ano na namang ginawa mo dito?!" sigaw ni Aaron.

"Ako ang lider diba? Gusto mo ba ng ebidensya?" Halatang inaasar niya lang kami.

Inangat niya ang mangas sa damit at nakita namin ang tatak naming mga taga-Nex pero kulay pula ito.

"Ginagago mo ba kami? Alam namin na ikaw ang leader pero matagal na yun! Wag ka nang umasa na makakabalik ka pa dito, matapos mo kaming iwan?" galit na sabi ni Kim.

"Don't worry. Wala rin naman akong balak bumalik dito, masyado niyo nang binaboy ang pangalan ng Nex." sabi niya.

Sinuntok ni Aaron si Cristopher. "Hoy Aaron! Magpigil ka nga!" saway ni Vincent.

Pinigilan na namin siya kagad bago siya sumugod uli. "Tangina mo talaga eh noh? Hindi ba iniwan mo kami sa ere para makaiwas ka sa gulo, damay-damay tayo sa pagkamatay ng titser na yun! Kasama ka doon! Tapos sasabihin mo samin aalis ka na? Ganun-ganun lang?!" namumula si Aaron sa galit. Puno ng maaanghang na salitaan ang bibig ng bawat isa pero pigil dahil baka dumagdag pa sa problema.

"Kung sana." Tumayo si Cristopher hawak-hawak ang panga.


"Kung sana alam niyo ang pinagdaanan ko ng umalis ako at iniwan kayo. Kung takot kayo sa Principal, mas lalo na ako. Binabalaan niya akong sasaktan niya ang pamilya ko at ilang beses ko na kayong pinoprotektahan sa kanya hindi niyo lang napapansin. Nasa akin parin ang pagiging Nex kahit kinamumuhian niyo ako." sabi niya. Tumahimik kaming lahat.

Nagring bigla sabay sabay ang mga cellphone namin.

"Galing sa leader natin." sabi ni Vincent.

Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon