Kabanata 23

53 4 0
                                        

Kabanata 23:

Miya's POV

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ang tahimik. I used to love this silence... pero simula nang dumating si Zhyk ay nagbago ang lahat. Binigyan niya ako ng lakas para harapin ang problema at hindi takasan na lang. Binigyan niya rin ng ingay ang tahimik kong buhay, kaya ngayon ay hinahana-hanap  ko na siya. Hay, ang sarap hilahin ng oras. Namimiss ko na siya... sobra...

I never thought that I'm capable of loving someone this much kahit na hindi buo ang pagkatao ko. I love him. Mahal na mahal ko talaga siya. I felt that my heart is so full of love because of him and I wonder why it doesn't explode yet.





Zhyk's POV

"Zhyk,.." Kunot-noo'ng minulat ko ang mga mata ko at luminga-linga sa paligid bago bumaling sa gumigising sa akin.

"Malapit na tayo pre." sabi ni Milo na katabi ko sa front seat habang nagmamaneho si Ali.

Umayos ako ng pagkakaupo at pinasadahan ng kamay ang aking buhok. Muli akong tumingin sa labas ng bintana. Maraming tao sa paligid na mabilisan kung lumakad. Madami ding mga malalaking building dito. Luminga-linga pa ako, baka sakaling pamilyar ang lugar na ito sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako ng wala man lang akong kakaibang reaksyon sa lugar.

Pumasok kami sa loob ng isang parking lot sa loob ng isang supermarket. Isa ito sa pinakamalaking client ng farm. 

Apat na nakaunipormeng lalaki ang sumalubong sa amin.

"Oh, Sir Ali, bago ata itong kasama niyo." 

"Oo. Ito nga pala si Zhyk. Simula ngayon ay siya na ang makakasama namin sa pagdedeliver dito. Ituro niyo na lang sa kanya kung saan dadalhin ang mga sako." sabi ni Ali habang tinuturo ako. Lumapit ako at tinanguan silang apat habang pinasadahan ko silang tiningnan. Ang isang nasa dulo ay nakakunot-noo sa akin.

"Zhyk? Pre, akala ko si Hunter na ang kasama nila. Tingnan mo, kamukhang-kamukha." dinig kong sinabi nito sa katabi. Masusing tiningnan din ako nito.

Hunter? nag-iwas ako ng tingin sa kanila pero patuloy na nakinig. Bumilis ang tibok ng puso. Hindi kaya ay kilala nila ako?

"Oo nga, pre. Pero malabo namang maging si Hunter yan. Bukang-bibig ng girlfriend ko yun eh. Nag-babakasyon daw banda nila ngayon sa Japan, si Chlyde lang ang naiwan."

"Sa bagay, uso ngayon ang kalook-a-like." nagtawanan sila pareho at doon natapos ang kanilang usapan tungkol kay Hunter.

Who is this Hunter na kamukha ko daw? Is he somehow connected to me? O kagaya nga ng sabi nila, magkamukha lang talaga kami... Pero hindi ako matatahimik hanggang hindi ko siya nakikilala.

Balak ko sanang tanungin sila kung sino si Hunter pero hindi ako makatyempo dahil nagsimula na kaming ibaba ang sa mga sako at nasa paligid lamang ang kanilang manager.

Nang natanong ko sila ay tinuro lang nila akong pumasok sa loob at bumili daw ng magazine  kung saan nakapaloob ang buhay ng bawat miyembro ng banda. Tumawa pa sila ng nalaman na hindi ko kilala si Hunter. 

Napatingin ako sa loob at napaisip kung magkano ba ang magazine na yun. Unang araw ko ito ng trabaho kaya wala pa akong pera. Pero.....

"Zhyk! Tara na!" Dinig kong tawag sa akin ni Milo ngunit hindi ko siya nilingon.

Hindi ko naman kailangan bilhin ang magazine na yun. Kailangan ko lang siyang makita. Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko yun.

Bumaling ako kina Ali at Milo. "Saglit lang ako sa loob!" 

Mabilis ang pintig ng puso ko habang tumatakbo paloob sa grocery store. Luminga-linga ako habang naglalakad para mahanap kung saan nakalagay ang mga magazine. Ang alam ko ay madalas malapit yun sa counter kaya doon agad ako nagpunta. 

Tiningnan ko isa-isa ang mga magazine na nandoon. Agad kong hinanap ang magazine na may book cover ng isang banda - Nautical Twilight o N.T.

Ilang saglit pa bago ko nakita iyon. Malakas ang pintig ng puso ko habang tinitingnan iyon. Alin sa apat na ito si Hunter. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita na tama sila. Kamukhang-kamukha ko nga ang lalaki sa larawan. Maliban sa kasuotan nito at ayos ng buhok ay parang pinagbiyak na bunga kami. 

Hunter? Sino ka? Ako ba ikaw? P-pero sino ang nasa Japan kung ganun? 

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang plastic na nakabalot dito. 

"Sir, pasensya na po pero bawal pong buksan yan." pigil sa akin ng isang nakaunipormeng lalaki nang akmang ilalabas na ang magazine sa plastic. 

"G-ganun ba." sabi ko habang binabalik sa shelf ang magazine. Damn! Konti na lang makikita ko na! Na bulilyaso pa! "Titingnan ko sana kung maganda bago ko bilhin. Well..." nagkibit-balikat na lang ako bago tinalikuran ang lalaki.

Tulala ako habang pabalik sa parking lot kung nasaan ang truck. 

Damn! Kailangan kong malaman kung sino ang Hunter na yun at bakit kami magkamukha!

"Oh Pre! Bakit ka tumakbo paloob wala ka namang binili ah." 

"Tayo na Zhyk. Kain muna tayo bago bumalik."

Dinig kong sabi nila pero ni isa ay wala akong sinagot. Tulala pa din akong sumakay sa truck. Hanggang sa kumain kami sa isang fastfood ay tulala pa din ako. Saan ko pa pwedeng makita ang magazine na yun? Hindi ako matatahimik nito.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pabalik kami.

"Ali, Pwede bang idaan mo muna dyan sa gasolinahan? Mag-ccr lang ako."

Bumaba ako para makababa si Milo.

"Ikaw Zhyk? Malayo-layo pa ang biyahe." Tanong ni Ali. 

Umiling lang ako at pinasadahan ng tingin ang lugar. Mga fastfood at store ang nandoon. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang nakita ko ang magazine na loob ng isang store. Dahan-dahan akong lumapit doon.

"Hunter?"

Nadinig ko ang tawag sa pangalan ni Hunter.

"Hunter, ikaw ba yan?" ang boses ay nanggagaling sa likod ko. 

Tinalikuran ko ang magazine at hinarap ang pinanggalingan ng boses. 

Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"I-ikaw nga!"

"Akalain mong buhay ka pa pala?"

sabay na sinabi ng magkapatid na Jacob at Peter.

________________________________________________

3.20.2016

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon