Prologue

1.1K 22 14
                                    

Prologue 

aksidente

Beeeeep beeeeep beeeeep...

Nagising ako sa mga busina at ingay ng mga tao na parang nagkakagulo. Aish. Nakarating na ba kami sa venue? Hindi man lang ako ginising nitong mga kasama ko! Damn it! Are they making fun of me again?

Tumingin ako sa labas habang kinukusot-kusot ang aking mata para maalis ang muta kung meron man. Jahe naman kung meron, that will surely ruined my image. Hinawakan ko din ang gilid ng labi ko para tingnan kung may panis na laway kahit na alam kong wala naman kasi di naman ako tulo laway kung matulog.

"Dito na ba tayo?" tanong ko sa mga kasama ko.

"Ka Tony, ano po? Dito na ba?" tanong ko sa driver dahil ni isa sa mga kasama ko ay wala yatang planong  sumagot. Lahat sila ay nakatitig sa kumpulan ng mga tao sa 'di kalayuan sa aming sasakyan.

No. Wait... Wait... Kung nakarating na kami, then bakit nandoon sila at hindi itong van namin ang pinagkakaguluhan? Ano bang meron? Sa pagkakaalam ko ay kami lamang ang guest sa event. Dapat kami ang pinagkakaguluhan!

"May naaksidente po ata sir." sagot ni ka Tony sabay sulyap sa akin sa rear view mirror. "Ang alam ko hindi ito ang unang pagkakataon na may naaksidente dito. Wala man lang po kasing street lights kaya talagang sobrang dilim kapag gabi."

"Kahit walang street lights kung mag-iingat ka, hindi ka maaaksidente. Tsk. Kung 'di siya marunong mag drive, para saan pa ang pag-kuha ng driver?" pangangatwiran ko.

"Sigurado ka bang aksidente lang yun?" pamisteryong singit ni Clyde. The smirk plastered on his face says he's up to no good. Nanliit ang mga mata ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" kaagad kong tanong.

"Alam mo bang sa mga tahimik at madidilim na lugar kagaya nito sila naninirahan?" Tumingin-tingin siya sa paligid kaya agad akong dinalaw ng kaba kahit na alam kong maaring niloloko niya lang ako.

"A-ano? S-sinong sila!? A-ano bang p-pinagsasabi mo dyan!?" Kinakabahan na ako sa lalaking ito dahil alam kong nakakakita siya. Tapos ang mukha niya ngayon ay talagang seryoso at palinga-linga pa siya sa paligid na parang may nakikita talaga. Kinilabutan akong bigla.

"Sila... di mo ba sila nakikita." Tumuro siya sa may likod ko. "Siya di mo ba siya nakikita?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko. A-ano bang pinagsasabi ng mokong na 'to? Alam naman niyang takot ako sa multo! Pinangtatakot kasi ang mga ito sa akin noong bata pa ako. Kaya ayan tuloy, lumaking matatakutin. Tsk!

Waaahhh!!! Ni hindi ako makalingon sa likod!

"Ya! A-a-ano bang p-pinagsasabi mo dyan!?" Nauutal at nanginginig kong sambit.

Pero.. bigla na lang siyang tumawa.

"Bwahahahaha...... you should have seen your face. It's freaking priceless."

"A-ano!?" sigaw ko. Patuloy pa din siya sa pagtawa. Kainis!

"Hey, hey... Ano na naman yan? Are you making fun of him again, Clyde?" singit ni Nate na kakaalis lang ng tingin sa kumpol ng tao. Siya ang leader ng banda namin. Yes. Siya ang leader namin at member lang ako. Pero ako naman ang pinakagwapo at pinakamakisig sa amin. Ha! 'Di naman sa pagmamayabang pero kasama ako sa top 10 ng sexiest and hottest men last December. 

"Of course! You know that it's my favorite hobby." Natatawang sabi ni Clyde. Aish. Sarap sapakin ng mokong na to. Ginawa pa talaga akong favorite past time, ah. I don't know why, pero simula pa lamang ay hilig na niya talaga akong asarin. I have a hunch, though. Hindi ko nga lang alam kung dapat ba akong matuwa kung sakaling tama nga ang hinala ko.

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon