Dedicated ---> HiddenFortune <--- na kapwa fan ko ng vampire knight! ^__^
Enjoy!
Kabanata 11: Temporary
Miya's POV
Kaya ko ba?
Kaya ko!
Hanggang ngayon ay nanginginig pa din ako sa kalooban pero alam ko namang hindi ako papabayaan ni Zhyk pagdumating ang araw na yun.
Nung sabihin nyang pupunta kaming bayan ay nakaramdam agad ako ng takot. Ano naman ang gagawin namin dun? Maghahanap ng alaala? Baka sa kanya pa ay may mahanap dahil sa akin ay malabo na. Ni ang mga pulis nga wala eh, kami pa kayang dalawa na wala namang alam dun.
Pero paano nga kung maibalik namin ang alaala niya?
Paano ako?
Maiiwan ako mag-isa?
Oo, alam kong hindi ako papabayaan ni Nay at Itay, pero ang sakit paring isipin na ganito na lang.
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung nagising ako pero wala pa din. Ni wala nga atang naghahanap sakin.
Anong gagawin ko kung hindi na bumalik ang alaala ko? Mananatili na lang ako dito habang buhay? Na hindi man lang kilala ang sarili ko.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"O, nak, ang lalim ata ng iniisip mo." biglang sabi ni Nay bago ako tabihan sa pagkakaupo sa may bakuran namin.
"Niyaya po ako ni Zhyk na pumuntang bayan." seryoso ko namang usal.
Nakita ko naman syang tumango sa gilid ng mata ko.
"Nabanggit nga nya iyon sa akin kanina." sabi ni Nay bago hinawakan ang kamay ko. "Mukha namang mabait ang batang iyon kaya huwag kang mag-alala. At kung ano man ang mahanap nyo dun sa bayan ay alalahanin mong nandito lang kami ng Itay mo. Hindi ka namin iiwan." bigla namang naramdaman kong nangingilid na sa luha ang mga mata ko sa sinabi ni Nay at nang nakita nya iyon ay dahan-dahan nya akong niyakap.
Laking pasasalamat ko talaga na sila ang kumopkop sa akin. Gayunpaman, gustong-gusto ko pa ring makaalala.
Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame.
Saan naman kami sa bayan mag-sisimula? Hindi kami pwedeng pumunta sa pulis at may koneksyon doon si Jacob. Siguro ay magmamasidmasid na lamang muna kami. Itatanong ko din kay Itay kung pwede kong dalhin sa doctor si Zhyk para mapatingnan kung anong kalagayan nya at bakit sya nagkaamnesia.
Haaaayy. Kahit sa isang araw pa ang punta namin doon ay kinakabahan na agad ako.
Nang biglang bumukas ang pinto ay agad akong napapikit. Ayoko munang makipag-usap kay Zhyk. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagyaya nya sa akin sa bayan o dahil s-sa p-pag-yakap nya sa akin kanina. Bigla na naman nanlambot ang puso ko ng maalala ko iyon.
"Hanggang sa pagtulog ba namumula ka pa rin." nanigas ako sa pagkakahiga ko ng marinig ang boses nya.
Pinapanood nya ba akong magtulug-tulugan!?
Waaahh. Hindi ko alam kung dapat ba akong mumulat o ipagpatuloy na lang ang pagpapanggap na tulog ako.
"Kung nahihiya ka sa nangyari kanina ay okay lang yun. Normal lang makaramdam ng hiya kung tulad ko ang yayakap sayo." pagkarinig na pagkarinig ko nun ay napamulat agad ako. Ang yabang! Sya naman ang nangyakap, di ba!? Pero yumakap ka din naman Mheeia! At aminin kahit natatakot ka noong mga oras na yon ay hindi mo pa rin maiwasang kiligin.
BINABASA MO ANG
Double Amnesia
Ficción GeneralMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...
