Kabanata 20

133 7 2
                                    

Kabanata 20: itakwil

Miya's POV

Friends. Sinubukan kong itatak yan sa kokote ko buong umaga habang patuloy akong kinukulit ni Zhyk. Wala siyang ginawa kundi ang bumuntot sa akin at pilitin akong pumunta kaming ilog. Lagi ko namang dinadahilan ang pagbabantay kay Emerson. Umuwi muna kasi ang mga kaibigan nito at babalikan na lamang mamayang hapon dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ito gumigising.

"Pumunta na tayo sa ilog. Ang tagal na nating hindi pumupunta dun ah. Miss ko na ang lumangoy." nakangusong sabi pa nito.

Pilit kong hindi mangiti sa kacute-an niyang pinapakita ngayon. Para siyang bata na hindi nasunod ang layaw.

"Hindi ako pwede ngayon. Manananghalian na. Tutulungan ko pa si Nay na magluto." pagtanggi ko kahit na gustung-gusto kong sumama.

Matalim niya akong tinitigan bago napabuntong hininga na lamang at tumango ng dahan-dahan. Tatalikod na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko.

"After lunch, then." seryoso niyang utos. Hindi ko maiwasang titigan ang mga malalalim niyang mga mata. Kumalabog na naman ang puso ko sa kagwapuhan niyang taglay.

No, Miya! Stop staring! Remember, friends lang!

Agad kong iniiwas ang tingin ko. Magdadahilan na lamang ulit ako mamaya. Akmang aalis na ako nang hinigit niyang muli ang braso ko.

"At ayokong makarinig ng kahit ano pang palusot mo mamaya. Alam kong nalilito ka pa pero hindi ko na kayang pigilan ito... ayoko ng pigilan pa." bulong nito bago lumabas ng bahay at iniwan akong nanlalaki ang mga mata.

But, we have, Zhyk. Kailangan nating pigilan. Masyadong komplikado. What will our future be if we don't know anything about our past? about our self? Right?









"All right. Let's go, Miya." galak na usal ni Zhyk pagkatapos na pagkatapos kumain.

"O, pasaan kayo Zhyk?" tanong ni Itay.

"Ah, sa ilog po. Matagal na kaming hindi nakakapunta doon." nakangising sagot niya.

"Ahhh... Hindi ako pwede, Zhyk. Maghuhugas pa ako ng kinainan... at... at..." nauutal kong pagtanggi habang humuhugot ng kung ano pang rason para tanggihan pa siya.

"Well then, tutulungan na kita. And I said. No more excuses." matalim niyang usal.

"P-pero..."

"Sige na, Miya. Kami na ng Itay mo ang bahala dito." agad akong napatingin kay Nay ngunit ngumiti lamang ito na tila alam na iniiwasan ko si Zhyk.

Kaya wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon.









Just keep in mind na hindi pwede Miya, and you'll survive.

Iyon ang ipinasok ko sa utak ko habang naglalakad kami papuntang ilog. Mukhang ramdam naman ni Zhyk ang pag-iwas ko dahil dumidistansya siya sa paglalakad. Nauuna siyang maglakad pero maya't maya niya akong nililingon at maya't maya din akong umiiwas ng tingin sa tuwing nahuhuli niya akong nakatitig sa malapad niyang likod.

Well, you can't really blame me. What else can I do kung sariling mata ko na ang sumusunod sa kanya.

Nagulat na lamang ako ng nabangga ako sa likod niya.

"A-ano ba? Bakit bigla ka na lang tumitigil?"

"Kung sana ay sa daan ka tumitingin at hindi sa akin ay hindi ka mababangga." nakangising usal niya. "Pero hindi naman kita masisisi. Alam kong gwapo at makisig ako." at ang makapal ay nagawa pang kumindat!

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon