Kabanata 5: amnesia
The first time I opened my eyes from that fitful sleep, I saw a stunning yet simple Angel. She's so beautiful that I can't take my eyes off her. But then, I heard someone talking to me and she's calling me Hijo. Is that my name??...
So I reluctantly face her.
---- Hunter
Miya's POV
"'Di ko alam... ahhh... w-w-wala... wala a-akong matandaan.."
Namilog ang mga mata ko sa aking narinig at nanigas sa aking kinatatayuan. A-anong wala siyang matandaan!?
"Hijo, anong ibig mong sabihin?" Mahinahong tanong ni Nay.
Umiling-iling naman ang lalaki pagkatapos ay...
"WALA AKONG MAALALA!! AAAAAAAHHHHHH" Sinabunutan niya ng dalawang kamay ang buhok niya. Nanginginig ang braso't kamay nito."AAAAAAAHHHHH!!!" sigaw pa nito na mas lalong sinabunutan ang kanyang sarili.
Nakaramdam agad ako ng awa sapagkat alam ko na masakit ang pagkakasabunot na iyon sa ulo nya. Naawa din ako dahil alam ko na mahirap na wala kang matandaan. Na ang nakaraan mo ay nawala na lang ng parang bula. Na ni sarili mong pagkatao ay hindi mo kilala...
"W-wala... b-bakit wala akong maalala!? BAKIT!!?? Arghh!"
"Hijo, Hijo.. tama na yan.. huminahon ka muna." Pagpipigil ni Nay.
Hinawakan ni Nay ang dalawang braso ng lalaki at inalis ito sa pagkakasabunot. Malamyang bumagsak naman ang mga kamay nito sa kama. Nakatungo lang siya at nakakuyom at nanginginig ang panga nya ngunit wala ni isang luha ang pumapatak sa mga mata nito.
"Hijo...." pagtawag ni Nay sa atensyon ng lalaki pero hindi sya nilingon at ako naman ay walang naiitulong dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na may amnesia siya. Yes, I'm pretty sure na may amnesia sya.
Nagulat na lang ako ng biglang tumayo ang lalaki at tumakbo palabas. Agad naman siyang sinundan ni Nay...
Nanlaki ang mga mata ko at napatulala muna ako ng ilang segundo bago ko sila sinundan...
"AAAAAAHHHHHHHH!!!!!"
Bago ako makalabas ng pinto ay narinig ko ang sigaw ng lalaki.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko na nagsisisigaw yung lalaki samantalang si Nay naman ay pilit siyang pinipigilan.
"AAAAAAAAAHHHHH!!!"
"Hijo, tama na yan.. huminahon ka.."
"AAAAAAAAHHHHHhhh!!"
Nung napagod ang lalaki sa kakasigaw ay bumagsak na lamang ito sa sahig. Agad naman umupo si Nay sa tabi nung lalaki at ako, heto pinapanuod lang sila. Hindi pa rin nakakarecover sa aking napagtanto. May amnesia sya......
Isang malakas na pagkakaumpog lang ba ng ulo ay magkakaamnesia na agad?? Kung ganoon, maibabalik din ba ang naglahong memorya pag inumpog ulit ito?? Ganoon nga ba yun?? Kung subukan ko kaya sa kanya?? Hmmm.. pwede.. tumango-tango naman ako sa naiisip ko. How great your idea is Miya!! Pero syempre dapat hintayin ko muna na gumaling---
"HIJO!!" Naputol naman ang brilliant idea ko sa lakas ng sigaw ni Nay.
Laking gulat ko naman ng makita kong nakahalandusay na ang lalaki sa sahig at pilit naman siyang binubuhat ni Nay. Gusto kong matawa sa nakikita ko hindi dahil nawalan ng malay yung lalaki kundi sa pagpupursige ni Nay na mabuhat yung lalaki. Pero dahil alam kong seryoso ang sitwasyon ay kaagad ko siyang inalalayan sa pagdala sa loob.

BINABASA MO ANG
Double Amnesia
General FictionMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...