Kabanata 21

58 6 0
                                        

Kabanata 21: tula

Miya's POV

Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ay natabunan na nito ang utak ko. Alam kong sa oras na mag-salita ako ay bibigay agad ako. But, am I strong enough for this?

Strong enough to fight for our love? Kaya ko bang hindi mag-alala sa nakaraan namin?

But I think the  better question was, am I strong enough to let him go?

Pagkatapos ng mga sinabi niya, kaya ko pa ba siyang bitawan?

Niyakap niya ako bago huminga ng malalim. Ibinaon niya ang mukha ko sa dibdib niya. His manly scent clouded my senses. 

"Please. Don't fight this any longer. I'll catch you. I promise." His husky voice sent shivers down my spine. I would probably fall down my knees literally if not for his strong arms that's wrapped around me. 

Wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin. Kung ano ang tamang gawin. Ang alam ko lang ay gusto kong manatili sa mainit niyang yakap. Ngunit hindi dininig ang aking panalangin dahil bahagya siyang lumayo sa akin at pinagdikit muli ang aming noo.

"Miya, kung hindi ka man handa ngayon, then kaya kong maghintay. Pero simula ngayon liligawan kita." sabi ni  Zhyk habang nakatitig ang mga mata niya sa akin. His fingers softly brushes away my tears.

Iginiya niya ako sa duyan at pinaupo doon. Lumayo siya sa akin para lumapit sa katabing puno. Yumuko ito para kuhanin ang gitarang nakasandal dito. Mas lalong lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. A-anong pinaplano niya?

Nanlaki ang mga mata ko ng muli siyang lumapit sa akin. Direkta siyang nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pagaalinlangan. Pero para saan? Pagaalinlangan na ituloy ito?

Yumuko siya at umiling bago tumingala at humugot nang malalim na hininga.

"I don't know if I should still be doing this but I want this day to be remarkable." ani Zhyk sabay strum ng gitara. "I just hope that this won't be the reason of your rejection."

Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi pero agad ding nawala ng nagsimula siyang kumanta. 

 I'm a fool falling saying crazy things 

but I'm hoping and praying 

that you'll know what I mean yeah,

 Pinigilan ko man ay umangat pa din ang gilid ng aking labi. 

I wish I had the lines 

but if you could read between 

then you know what you mean to me

Di ko akalain na sa likod ng gwapo niyang mukha ay nagtatago ang wala sa tonong boses nya. Napailing na lang siya ng nakita ang reaksyon ko pero nagpatuloy pa din siya sa pagtula este pagkanta. Mas lalong nag-init at nanlambot ang puso ko. Kung akala niya na ito ang magiging dahilan ng pag-ayaw ko, then he's wrong. Kabaliktaran pa nga, dahil pakiramdam ko ay mas lalong akong nahulog sa kanya at wala ng pag-asang makatayo pa. 

But when I say heaven 

I'll be laying by your side 

and by forever 

I mean as long as you'll be mine

But when I say perfect 

I mean every little thing that you do oh 

and when I say beautiful, wonderful 

or too good to be true 

I mean you, 

I mean you  



"Mag-papaalam ako kina Aling Minda. I don't know if they'll approve or not but I'll fight for you no matter what." sabi ni Zhyk pagkatapos tumula este kumanta. Hindi niya man lang ako binigyan ng chance para makareact. Agad niyang inalis ang gitara at nagyaya ng bumalik. 

Well, I can't blame him.



Pagkabalik namin sa bahay ay iyon nga ang unang niyang ginawa. Abot tenga ang ngiti ni Nay ngunit walang imik naman si Itay na dumiretso sa kwarto namin. Lumabas siya na dala-dala ang isang kumot at unan.

"O Tay, saan mo dadalhin yan?"  tanong ni Nay nang nakita ang dala nito.

"Kung seryoso ka sa anak ko Zhyk, simula ngayon bawal na kayong matulog sa iisang kwarto?" maawtoridad na sabi ni Itay. Nanlaki ang mga mata ko at gusto kong umangal sa gusto niyang mangyari. Dalawa lamang ang kwarto dito kaya kung hindi siya sa aming kwarto matutulog ay saan?

"Naiintindihan ko po. Huwag kayong mag-alala malaki ang respeto ko sa kanya. Mahal na mahal ko po siya kaya maliit na bagay lamang ang pag-tulog dito sa sala." 

"No!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong umangal. Sabay-sabay nila akong nilingon kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. "I-I mean, m-mag-kaiba naman ang k-kama namin at may tiwala ako sa kanya kaya okay lang po na mag-kasama kami. Sa-saka hindi komportable matulog sa sala." nauutal kong bigkas habang nakatungo sa sahig.

Bahagya akong tumingin sa kanila at nasilayan ko ang nag-lalarong ngiti sa labi ni Zhyk kaya napatungo ulit ako.

Geez, kahiya Miya! Baka kung anong isipin nila!

"Okay lang kung saan ako matulog pero hindi ako makakapayag na ssi Emerson lang ang kasama niya sa kwartong matulog ngayon. Tulog o hindi. I won't allow it." seryosong sabi ni Zhyk.

Palihim akong ngumisi sa sinabi niya.

Katahimikan ang sumalubong sa kanya  bago ko narinig ang buntong-hininga ni Itay.

"Okay. Sige. Papayagan kitang matulog sa kwarto ngayong nandito si Emerson. Pero sa oras na maiuwi siya, sa sala ka na matutulog." sabi ni Itay, inabot niya  ang kumot ang unan kay Zhyk pagkatapos ay dumiretso na sa kusina kasama si Nay.

Bumaling sa akin si Zhyk at nginitian ako. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Lumapit siya sa  akin. 

"Then I guess I only have tonight to be with you legally, need to make the most of it." bulong niya sa tenga ko bago dumiretso sa kwarto.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko kahit pakiramdam ko ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Sa tingin ko, wala ng kwenta ang mga tanong ko. Hulog na ako. I can't let go of him. Tama man o mali, wala na akong pakialam. Mahal na mahal ko na siya. 

Humihingi na ako ng tawad sa mga pwede naming masaktan, pero hinding-hindi ako mag-sisisi na nahulog ako sa kanya. 



Kabado man sa binabalak ni Zhyk ay tumuloy pa  din ako sa kwarto. Nakahinga ako ng maluwag ng nakitang may nakalatag sa sahig.

"Oh, don't be disappointed, props lang yan. You know, in case sumisilip sila dito." tumawa si Zhyk at kinindatan ako.

I rolled my eyes and hid a smile.

Well, I guess we really need to make the most of it.





______________________________________________________________________

2.7.2016

Song:

I mean you -  Hunter Hayes

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon