Kabanata 7

403 14 6
                                    

Kabanata 7: maging practical

 

Hunter / Arzhykyel's POV

 

"Alam kong masakit. Alam kong mahirap. Pero sa ngayon, ang magagawa mo lang ay tanggapin."

Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago ako tinalikuran at naglakad palayo... Samantalang ako ay nabaon na sa aking kinatatayuan...

A-anong!? M-mas n-nau-una sya?? Ibig ba nyang sabihin ay m-may a-a--amnesia d-din sya!!!!! A-ano!??? P-pero....... P-paanong...??

Waaahhh... ang gulo-gulo!!! Ang tanging alam ko lang ay may amnesia sya!!!!

At....

At...........

Pinagmasdan ko ang aking paligid...

At...........

At...........

Nanlaki ang mga mata ko sa aking napagtanto....

INIWAN NYA AKO!!!!! NOOOOOOO!!!!! WAAAAAAHHHH!!!!

Mabilis na kumalabog ang puso ko!! Nakaramdam agad ako ng takot na kanina ay natatakpan ng halo-halong emosyon..

Sobrang dilim at tanging ang buwan at stars lang ang nagbibigay ng liwanag!!! Waaaahhhh...

Dali-dali kong tinahak ang daang kanyang tinungo...

Grabe talaga!!! Iniwan nya talaga ako!!!

Waaaaahhh... Grabe!!! Grabe!!! Grabeeee!!!!

Napahinto ako sa aking paglalakad-takbo ng makita ko SYANG nakasandal sa isang puno...

Tumingin lang sya saken at umalis sa pagkakasandal at walang ano-ano'y naglakad muli...

Tinitigan ko lang syang maglakad palayo...

'DI AKO MAKAPANIWALANG HININTAY NYA AKO!!!

Ang buong akala ko ay iiwan nya lang ako ng ganun-ganun na lang... Hindi lang panglabas na anyo ang nakapaganda sa kanya... Mapalabas o mapaloob ay talaga namang nakakamangha.... Kahit na nasigawan ko sya kanina ay nagawa pa rin nya akong hintayin.

Mabilis ko syang sinundan ng nakita kong medyo nakakalayo na ulit sya...

Nangunguna syang maglakad at ako naman ay nakasunod at nakatitig sa kanya.

May amnesia sya... at kagaya nga ng sabi nya ay mas nauna nyang naramdaman ang sakit, pagkalito, galit at pagkalutang... Mas nauna nyang naramdaman yun ng walang karamay..... ng walang nakakaintinde..... samantalang ako ay nariyan sya para damayan ako... Kung nakaya nyang tanggapin yun KAYA KO RIN!!

Kung titingnan mo sya parang wala syang pinagdadaanan. Kung hindi pa sya nag outburst kanina hinding-hindi ko malalaman...

Pero hindi ko alam kung dapat ba akong bumilib sa kanya kasi oo, siguro nga tanggap nya pero para namang wala lang sa kanya na wala syang maalala. Nagtatago lang sya dito...

Nagulat ako ng bigla syang tumigil at nilingon ako. Kaya naman napatingin ako sa paligid. Nandito na pala kami.

"Humingi ka ng sorry sa kanila... at pagbigyan mo na rin ang mga trip nila kasi ngayon lang sila nakaramdam ng magkaroon ng anak... Dahil hindi sila binayayaan..." sabi nya pa bago tuluyang pumasok sa loob.

Dahan-dahan naman akong sumunod sa kanya ng nakatungo. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa pagsigaw ko kanina.

"O, Hayan na pala sila." dinig ko pang bungad sa amin.

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon