Kabanata 16: distraction
Miya's POV
Pagkatapos ng araw na yun ay sinubukan ko na syang iwasan. Habang maaga pa ay alam kong makakaahon pa ako.
Lagi akong gumagawa ng palusot sa tuwing magyayaya sya papuntang ilog. Mabuti na lamang at nagkaroon ako ng buwanang dalaw kaya kahit nakakahiya ay sinabi ko iyon sa kanya. Makaiwas lang ako.
Pero ang mokong ay mas pinili pang bumuntot sa akin kesa magswimming!
"Ano bang problema mo!?" sigaw ko ng napuno na ako sa kakulitan nya. Nababasa ako dahil hinaharap nya sa akin ang pinapagpag nyang damit bago ito isampay. Kainis!
"Ang init naman ng ulo mo. Dahil ayaw mong mag-swimming, wasik-wasik na lang." sabi nya pa bago ulit pinagpag sa harapan ko ang basang damit. Grrr...
"Pwede ba? Kung gusto mo maligo, mag-swimming ka mag-isa! At wag mo akong kinukulit dito!" pagtataray ko pa.
"Ang sungit mo naman ngayon. Pwede bang palayasin mo na yang bisita mo at ako na lang ang dadalaw para lagi ka na lang nakangiti at namumula?" nakangising usal ni Zhyk.
Inirapan ko na lang sya kahit feeling ko ay namumula na naman ako. Lakas talaga ng lalaking to. Porket alam nya kung gaano kalakas ang epekto nya sa mga babae. Nung pumunta kaming hospital ay halos tulo-laway na yung secretary ni Dr. Xhristoff. Kainis talaga sa tuwing naaalala ko kung paano nya tsansingan si Zhyk sa tuwing may pagkakataon itong hawakan. Tsk! Kainis talaga!
"Zhyk! Tulungan mo muna akong magsibak dito!" biglang sigaw ni Itay.
Yes! Save by Itay!
Or so I thought,
"Kahit ang sungit mo ngayon, ang cute mo pa rin. I think I like this side of you too." sabi pa ni Zhyk bago nya pinuntahan si Itay, na nagpakalabog ng puso ko. Oh God. Paano ko pa ito mapipigilan?
"Minda, pupunta pala dito si Blaire bukas. Kaso mga dalawang gabi lang sya dito at aalis na daw sila sa kabilang linggo." sabi ni Itay, isang gabi.
Dito pala ulit tutulog si Blaire. Pamangkin sya ni Nay at Itay. Malapit sya kina Nay dahil nung maliit pa daw ito ay sina Nay ang nag-aalaga dito. Nagtatrabaho sya sa ibang bansa ngayon. Mga ofw kasi ang mga magulang nya at dun sya pinagkolehiyo hanggang sa makatapos.
Ilang araw pa lang ako nun dito ng dumating sya. Sobrang taray nya sa akin noon sapagkat ng dahil daw sa akin ay nalubog sa utang sina Itay at sa pagbabayad lang nito napupunta ang kinikita ni Itay.
Wala akong nagawa noon kundi tanggapin lahat ng sinabi nya dahil tama naman lahat iyon. Isa lang akong pabigat. Pero dahil nga mabait sina Itay ay pinanindigan nila na dito na ako tumira kaya mas lalong nagalit sa akin si Blaire.
Hanggang ngayon kaya galit pa din iyon sa akin?
Siguro dahil hanggang ngayon ay pabigat pa din ako.
Pero... magalit din kaya iyon kay Zhyk?
I doubt it. Sa sobrang arte nun ay siguro tulo-laway lang din iyon kay Zhyk. At saka, may babae bang kayang magalit kay Zhyk?
Sa tingin ko ay magagamit ko si Blaire para maiwasan si Zhyk sa oras na magkagusto ito dito.
Bigla namang sumikip ang dibdib ko sa naiisip ko. Kung ganoon ang mangyayari ay hindi malabong magustuhan din sya ni Zhyk. Maganda, sexy at sopistikado si Blaire. May pagka-adventurous din ito at higit sa lahat ay mahal na mahal nito si Nay at Itay. Kung tutuusin ang tanging flaw lang niya ay ang pag tataray, na ang katangian namang nagustuhan ni Zhyk kanina.

BINABASA MO ANG
Double Amnesia
Narrativa generaleMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...