Kabanata 12

239 10 7
                                    

Hello my beloved readers!!!

Dedicated --> inouechan <-- ako po ay nagpapasalamat sa support nyo sa aking story... feel free na padaanin nyo si Sky or Sey sa Ahmnheshia St., or kahit si Lenie kung gusto nyo din.. hahah.. Thanks and God Bless! ^__^ 

Enjoy!!! ^__^

Kabanata 12: enough

Miya's POV

Kahit na hindi ko pa maatim na kahit na anong oras ay pwede akong iwanan ni Zhyk ay kailangan pa rin naming gawin ang isinadya namin dito sa bayan.

'Ang maghanap ng ala-ala'

Kasalukuyan kaming naglalakad sa bayan at naghahanap ng kakainan. Kahit lampas ala-una na ay ngayon pa lamang kami manananghalian ni Zhyk.

"Dun na lang tayo kumain." sabi ko kay Zhyk sabay turo dun sa maliit na karinderya na mukha namang malinis.

"Okay."

Pumunta kami dun sa pandalawahan lamang na table. Iniwan ko dun si Zhyk para makapili na ng kakainin namin. Pero ng iniabot na sa akin ni Ate yung tray  ay may kumuha agad noon at syempre pag-lingon ko ay nakita ko si Zhyk na dala-dala na yung tray papunta sa table namin. Agad akong napangiti sa ginawa nya. Naks! nagpapakagentleman si Zhyk, lalo tuloy akong nafafall. 

Haaayy.. I'll surely gonna miss him...

"Miss, ang swerte mo naman. Hindi lang super gwapo at hot ng boyfriend mo, gentleman din." biglang sabi ni Ate.

Nginitian ko lang sya at sumunod na kay Zhyk sa table namin. Haaayy, naka-cap at eye glasses na't lahat, umaalingaw-ngaw pa din ang kagwapuhan nya! 

"Congrats nga pala." bati ko sa kanya habang kumakain kami. Bigla namang kumunot ang noo nya na parang hindi maintindihan kung bakit ko sya kinonggrats. "Anytime daw pwedeng bumalik ang ala-ala mo."

"Ang sabi nung doktor ay posible na temporary amnesia ang sakit ko. Possible lang at hindi tiyak. Kahit sabihin nya na bukas ay babalik ang ala-ala ko ay wala pa ring kasiguraduhan kaya wag mo akong icongrats." seryosong usal ni Zhyk.

"Pero at least ikaw ay may mapanghahawakan na maaaring bumalik ang ala-ala mo kahit anong oras... hindi katulad ko." 

"Kahit iyon ang sinabi ng doktor na yun ay hindi pa din natin talaga masasabi ang pwedeng mangyari. Maaaring mauna ka pang-makaalala sa akin kaya huwag mo ng isipin ang sinabi ng doktor na yun dahil masasaktan ka lang." seryosong sabi niya at tinitigan ako.

Napatigil naman ako sa pagkain at sinuklian ang pagtitig nya sa akin.

"Don't ever think na iiwanan na lang kita dito sa oras na makaalala ako dahil hindi yun mangyayari. Hindi kita papabayaan. I won't let you down. I won't leave you here... I can't."

Nahinto ang puso ko sa sinabi nya at hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa tindi ng pagtitig nya sa akin. Ramdam ko hanggang sa kaibuturan ng puso ko ang bawat salitang binitiwan nya.

...Hindi kita papabayaan. I won't let you down. I won't leave you here... I can't.

Pakiramdam ko ay nawala lahat ng takot ko sa mga sinabi nya. Gumaan ang pakiramdam ko at unti-unti ko syang nginitian. Magsasalita pa sana ako ng biglang may sumigaw sa tabing table namin.

"Peter! Mabuti naman at nakadating ka!"

"Oy, mga dude! palalampasin ko ba to? Hahahah..."

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon