Kabanata 14

195 9 4
                                        

Hello po my Beloved Readers! 

Dedicated --> ArchelleJQSpeedster <--- Salamat at nagandahan ka sa story.. pinapataba mo puso ko,.. hahah Thanks po sa support and sana keep on supporting this. Thank you! ^___^

Here's Kabanata 14!

Enjoy!!! ^__^



Kabanata 14: hulog

Miya's POV

Ilang araw din ang kailangan naming hintayin bago kami makabalik ng bayan ni Zhyk. Pero mas mabuti na yun, para makapag-gala kami ni Zhyk ng mas malaya at hindi natatakot na makasalubong si Jacob.

Nung huli naming punta sa bayan ay wala man lang kaming napuntahang iba. Kaya sana sa susunod ay makapamasyal naman kami.

Pero habang stranded pa kami ni Zhyk ay sana makabonding ko man lang sya, dahil noong kami lang dalawa ni Nay dito, pag nasa trabaho si Itay, ay mag-isa lang akong pumupunta sa ilog. Kaya laking tuwa ko nung nagustuhan din iyon ni Zhyk. Sa wakas, hindi na ako nag-iisa.

"O, nak, tinanghali ka ata ng gising ngayon?" bungad ni Nay sakin pagkalabas ko ng kwarto. 

"Napagod lang po siguro kahapon." tugon ko. "Nasaan po si Itay?" tanong ko bago luminga-linga.

"Si Art ba talaga ang hinahanap mo?" tanong ni Nay kaya napabalik sa kanya ang tingin ko at nakitang nakangisi na naman sya. Waaaaahhh.. Am I that obvious?

"P-po?" tanong ko na lang na parang hindi na gets ang ibig nyang sabihin. Pero nginitian lang nya ako ng nakakaloko. 

"Nagpaalam sya kanina na pupunta muna sya sa ilog." Sa ilog? Napakunot ang noo ko. Hindi man lang nya ako hinintay? "Sabi ko hintayin ka na muna nyang magising bago sya umalis, pero gusto muna daw nyang mapag-isa." pagpapatuloy ni Nay nung nakita ang reaksyon ko. 

Gusto nyang mapag-isa? Pero kahit naman magkasama kami ay hindi ko sya ginagambala tuwing sa tingin ko ay kailangan nya ng oras na mag-isip-isip ah... 

Sagabal na ba ako sa kanya?

Hindi. Hindi. Sabi ko sa sarili ko at umiling-iling. Siguro ay gusto nya lang muna talagang mapag-isa. Nangako sya sa akin na hindi nya ako iiwan kaya hindi nya iisipin na isa lang akong sagabal. No. He won't ever think that. 

At least, I hope he won't.

Dumaan ang tanghalian ay hindi pa din sya bumabalik. Naka-upo lang ako sa labas ng bahay at nag-aabang.

"Baka mamaya pa si Zhyk umuwi. Nakalimutan kong sabihin na nagdala pala sya ng makakain kanina." wika ni Nay na kakalabas lang ng bahay. 

Nagbaon sya? A-ano yun, picnic?

Gusto ko sana syang sundan... pero, mukhang mas gusto niya talagang mapag-isa. 


Nagising na naman ako ng wala na si Zhyk sa kama nya. Oo nga't may kurtina sa pagitan namin pero bago makalabas naman ng kwarto ay madadaan talaga ang kama nya kaya alam ko ano! Hindi ko hinawi ang kurtina.

Lumabas ako ng kwarto pero wala akong nakita ni isa sa sala kaya tumuloy ako sa kusina ngunit wala din namang tao doon.

Nasaan kaya ang mga tao. Si Itay ay paniguradong nasa trabaho. Si Nay kaya nasaan? 

Nasaan na din na naman kaya iyon?

Hapon na sya umuwi kahapon at wala na ding nagawa kundi magpahinga, kumain at matulog ng maaga. May napansin din akong maliliit na sugat sa paa at binti nya. Hindi din naman sya nag-kwento ng kahit na ano dahil pagod daw sya kaya hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong pinag-kakaabalahan nya. Natulog lang sya agad pagpasok namin ng kwarto. Ni hindi man lang nya ako kinulit kagabi. Ano kayang nangyayari sa lalaking yon!?

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon