Kabanata 1
Reality
Two weeks before....
"Congratulations guys!!! I'm sooo proud of you guys!" galak na galak na sigaw ni Manager Do. Kakatapos lang kasi ng concert namin.
"Woooooooooooohhh..."
"Congrats!! Party Party na!!" sigawan ng mga staff.
"Thanks Manager. Thank you din everyone." Ngiting ngiting sabi ni Nate the leader at nagpasalamat na din kaming tatlo kay manager Do at sa mga staff.
"Okay.. guys guys. Listen." Pagkuha ng atensyon sa amin ni manager. "Congratulations uli sa ating lahat. Worth it lahat ng pagod at puyat. After nito long vacation na tayo, and sa January na ang sunod na gig natin. Kaya naman, Let's celebrate!!"
Excited naman ang lahat na pumunta sa Dawdle, ang bar na madalas naming puntahan after ng concert.
Pag-dating namin ay sobrang dami na ng tao at SOBRANG INGAY talaga kahit na nireserve namin ang buong bar ay nagpapasok pa din kami ng ibang fans. Alam niyo na, appreciation sa mga fans din.
"Congratulations!!" yan agad ang bungad sa amin at agad naman kaming nagpasalamat sa kanila.
Pumunta na kami sa table namin pero bago ako makarating doon ay may humarang na agad sa akin.
"Hi, Congrats Hottie, Miss me??" malanding sabi naman ni.. uhm.. A-Anne?? Annie?? Ahhh basta An.. sabay hawak niya sa braso ko.
"Thanks uhm... Annie."
"It's Anya, Hottie. Nakalimutan mo na agad ako eh nagdinner lang tayo two days ago." ngumuso naman siya kala mo naman cute pag na nguso.
"Ahhh. Hahaha. Sorry. S-sige punta na ako sa table namin. Thanks ulit." Pagpapaalam ko naman sa kanya. Pero hinila naman niya agad ang braso ko.
"Mamaya na. Sayaw muna tayo." Malanding sabi niya. Nagexpect ata to. Kumain lang kami eh kung makakapit, kala mo linta. Tsk.
"Look Anya, that was just a simple dinner walang meaning yun. Kelangan ko lang ng companion ng mga sandaling yun. Kaya please. Bitiwan mo na ako." Medyo inis kong sabi sa kanya.
"P-Pero s-sabi mo masaya akong kasama a-at sabi mo n-next time ulit." pag-mamakaawang sambit ni Anya. "No no no. I know you like me too. So p-please just dance with me."
"Anya, I'm tired. Huwag ka na lang mangulit. Makisama ka na lang sa ibang fans dyan... And don't expect anything from me. Got that?" hindi ko na siya hinintay pang sumagot at dumiretso na lang ako sa table namin.
"Dyan kayo magaling eh, pag may kailangan kayo ako ang habol niyo tapos iiitsapwera niyo lang ako!! Pagkatapos niyo akong gamitin, ANO! ITATAPON NIYO LANG NA PARANG BASAHAN! Mga walang hiya kayo!! Manggagamit!!" galit na galit na sigaw ni Anya ng nakakailang hakbang pa lamang ako palayo sa kanya. Nilingon ko siya at nakitang nangingilid na sa luha ang kanyang mga mata. Ughh, ano na naman ba tong napasok ko nagdinner lang naman kami ahh. Anong ginamit dun!? Sabihin niyo nga! Paano ko siya ginamit dun!! Damn it!!
Pero bago pa ako makapagsalita ay hinablot na agad siya ni Bree, leader ng fans club ko. Napahilata naman sa sahig si Anya.
"Who do you think you are!? Kala mo ba pwede mo na lang sigaw-sigawan si Hottie Hunter namin!! HA!" nanggagalaiting sigaw ni Bree. "Ang kapal naman talaga ng mukha mo ano! Nakipagdinner lang sayo kala mo naman iyong iyo na!!"
"Tama na yan, Bree." Pagpipigil ko kay Bree.
"Know your place slut!" sigaw na naman ni Bree sabay hila sa akin papunta sa dancefloor.

BINABASA MO ANG
Double Amnesia
General FictionMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...