Kabanata 26
Miya's POV
Damn, Miya. Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo? Makikitulog ka lang sa kanila. Nakaya mo ngang matulog sa iisang kwarto kasama si Zhyk.
Tiningnan ko si Kristoff at seryoso lang siyang nakatingin sa kalsada. Nakaramdam naman ako ng hiya sa mga kung anu-anong pumapasok sa isip ko.
"Uh, nakakahiya naman kung makikituloy---"
"Tumawag na ako kay Mang Art. Sinabi kong kasama kita kaya wala siyang dapat ipag-alala."
"K-kung ganoon, alam ba ni Itay ang nangyari kanina?" tanong ko na may halong pag-alala. Ayaw kong magalit sila kay Zhyk.
Nilingon niya ako ng mabilis at agad ding binalik ang tingin sa kalsada.
"No..."
Tumango ako at nakahinga ng maluwag. "Thank you."
"It's not my story to tell. And besides, sa tingin ko ay mas mabuting hindi nila muna malaman ang nangyari. They are going to hate him for sure."
Lumiko ang sasakyan papasok sa isang village.
"At isa pa, hindi natin alam kung ano talagang nangyari. He might have recovered his memories at hindi niya maalala ang mga nangyari nung nawala ito kaya hindi ka niya kilala." dagdag nito na nagpakirot naman sa puso ko.
"Or he's in a relationship with that woman at ayaw niyang malaman ng iba kung anong meron sa amin." matabang kong sinabi.
"Miya...."
"I saw it! Natigilan siya nung nilingon niya ako. Maaaring... Maaaring nagpapanggap lang siya!" Hindi ko alam kung anong mas nakabubuti ang hindi niya talaga ako maalala o ang magpanggap na hindi niya ako kilala.
Humugot siya ng malalim na hininga. Nakaramdam ako ng hiya nang napagtanto na pati siya ay nadadamay sa problema ko.
"We don't know that Miya. Calm down." Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking gate. May pinindot siya sa sasakyan at unti-unting bumukas ang gate. Pinaandar niyang muli ito papasok.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Tama siya. I can't just assume anything. Maaaring hindi niya talaga ako maalala. Maaaring nakalimutan niya talaga ako. Mabigat man sa puso ay wala akong magawa. Kailangan ko lang ulit siyang makita --- Halos mapatalon ako ng biglang may humawak sa tuhod ko.
"Sorry. Kanina pa kita tinatawag at mukhang malalim ang iniisip mo." ani Kristoff na nakataas ang isang kamay na siguro'y humawak sa tuhod ko. Nasa labas na ito sa tabi ng inuupuan ko. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto.
"Oh? Sorry..." Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko dahil baka akalain niya na hinintay ko talagang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Nandito na tayo." nginitian niya ako. Haay, soo angelic talaga ng mukha niya. Pakiramdam ko ay hulog siya ng langit sa akin.
"Uh, yeah." sabi ko bago bumaba sa Fortuner niya.
Bago ko pa makuha ang bag ko ay inunahan niya na ako.
"Ako na dyan."
"Ako na. You're my guest. Kaya feel at home." He smiled at me with his tender eyes.
"Kaya ka ba naging doctor dahil mahilig kang mag-alaga ng mga taong nasasaktan?" Namilog ang mga mata niya sa tanong ko. Maski ako ay nagulat kung bakit ko iyon natanong. Siguro ay dahil sa sobrang bait niya ay nagtataka ang isip ko kung bakit niya ito ginagawa.
Bahagya siyang napatawa bago sumeryoso ang mukha.
"Wish I can be a doctor for the heart. But I can't even cure my own heart so how can I fix other's?" nginitian niya ako ng malungkot bago tinalikuran at diretso ng pumasok sa loob.

BINABASA MO ANG
Double Amnesia
General FictionMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...