Kabanata 27
Playgirl
Hunter's POV
Damn. Two weeks of rest tapos work agad. Ni hindi ko pa alam kung ano ba talagang nangyari sa akin.
This is so frustrating! Tapos gusto pa ni Manager Do na sa training house kami tumira dahil kailangan daw namin matutukan ang practice. Tao pa ba ang Manager namin na yun?
But then, I can't blame him. Matagal kaming nawala sa spot light. Laking pasasalamat ko pa nga na binigyan niya ako ng dalawang linggo.
"Sir, dito na po." sabi ni Ka Tony bago bumaba para kuhanin siguro ang gamit ko.
Binuksan ko ang pintuan ng Camry para makababa na.
Bumaling ako sa two-storey house. We're gonna live here for about a month or so. Pero pwede naman daw kaming umuwi every once in a while.
"Ako na magpapasok niyan Ka Tony. Pwede ka ng umalis." Kinuha ko sa kanya ang maleta. Nung una ay ayaw pang ibigay, pero ayos na naman ako. Kaya kong bumuhat na mabigat. Hindi ako lumpo.
Pagkapasok sa gate ay nakita ko agad ang swing at bars malapit sa mini garden. Madalas kaming magpatagalan at paramihan sa bars. Natawa ako ng naalala na minsan ko ng nadaya doon si Clyde.
Pumasok ako sa bahay at agad humiga sa couch.
Nasaan na kaya ang tatlong iyon? Sa tingin ko ay una akong dumating dahil sa sobrang tahimik ng paligid.
Tumayo ako at nagpasyang ilagay na lang muna ang gamit sa aking kwarto.
Sa 2nd floor lahat ng bedroom dito at ang kwarto ko ang may pinakamagandang view dito dahil nakaharap ito sa dagat.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay naramdaman kong parang may mali. May humuhuni. Parang boses ng anghel.
Napasign of the cross ako at nagpadala ng maiksing panalangin sa itaas.
Nakasurvive ako sa tangkang pagpatay sa akin. Hindi naman siguro ako pagtatangkaan na kunin muli.
Dahan-dahan akong pumunta sa banyo kung saan nanggagaling ang boses. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa dibdib ko. W-wala naman sigurong m-multo dito?
Nangilabot ako ng nasa hamba na ako ng pintuan. Mas naging malambot ang boses mula sa loob.
Unti-unti ang aking pag-silip. Napalunok ako. Una kong nakita ang reflection sa salamin ng isang maputing babae.
Tumigil ang aking mundo at natauhan lang ng tumama ang mga mata niya sa akin. Nanlaki ang mga mata nito at bahagyang siyang umurong.
"Z-Zhyk!"
Miya's POV
"Z-Zhyk!" sigaw ko ng nakita si Zhyk sa may pintuan.
Kumunot ang noo niya. Oo nga naman. Wala siyang maalala. Wala siyang kilalang Zhyk. Sa pagtataka na nakikita ko sa mukha niya ngayon ay gusto kong maniwala na hindi niya nga ako maalala. Kung pareho kaming nawalan ng ala-ala, hindi malabong mangyari ito ulit.
Tinitigan ko ang mukhang pamilyar na pamilyar sa akin ngunit ang nasa likod nito ay tila ibang tao na. Sumikip ang dibdib ng wala akong makita sa mga mata niya na nakikilala niya ako. It's like I'm being invisible again.
Pinalis ko ang nakatakas na luha sa mata ko. Ugh, I'm beginning to be weak again.
"Who are you? What are you doing in my room? In this house?" matalim na tanong ni Zhyk, I mean, Hunter.

BINABASA MO ANG
Double Amnesia
General FictionMasasabi mo bang totoo ang isang pag-ibig na dumating... ... kung kailan na reset ang lahat sa buhay mo? ... kung kailan ang pangkasalukuyan lang ang tanging pinanghahawakan mo? walang nakaraan at malabo ang hinaharap. Masasabi mo bang totoo ang nar...