Kabanata 8

351 13 13
                                    

Hey readers!!

Dedicated ---- loveyouv !!! eto na kabanata 8!! :) sana magustuhan mo... Thanks for reading. =)

Enjoy!!



Kabanata 8: Loading

Hunter / Arzhykyel's POV

"Ganito kase ang nangyari....."

Tutok na tutok ako sa bawat salitang binibitawan nila. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya... 'Di ko alam kung curious lang ba ako dahil pareho kami ng kalagayan o interesado lang ba talaga ako sa kanya sa di malamang kadahilanan... Ewan ko nga ba... parang gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya...

"Katulad ng sayo, galing din ako sa kabilang bayan at may dineliver. Gabing-gabi na noon at ako pa lang ang tumatahak sa Amnesia St... wala talagang kailaw-ilaw doon.... at doon ko nakita ang isang sasakyan na sirang-sira ang unahan na nakabunggo sa isang malaking puno..."

Nanlaki ang mata ko at napalunok. 'Wag nyong sabihing car accident ang dahilan!!?

"Dali-dali akong bumaba at tiningnan yun. Doon ko nakita si Miya... walang malay at duguan. Di ko alam ang gagawin ko nun dahil nataranta na ako. Hindi ko naman kayang ilabas sya doon ng mag-isa baka mas lalo pang lumala ang kalagayan nya. Wala naman akong cellphone para kumontak ng doktor. Mabuti na nga lamang ay may mga dumaan ding sasakyan noon. May show daw sa isang bayan ang isang napakasikat na banda."

Napalunok siya at umiling-iling pa. Si Nay naman ni Miya ay naluluha-luha na.

"Madalang lang ang may dumaan duon lalo na pag-gabi. At laking pasalamat ko na nga lang doon sa show dahil maraming tao ang dumadaan kaya marami din ang tumulong saken. Agad silang tumawag ng ambulansya. Ang sabi pa, kung tumagal-tagal pa daw yun ay baka hindi na sya naisalba pa."

Sumikip naman ang dibdib ko. Di ko maisip na dumanas sya ng ganong hirap.

"Ilang araw din kami sa hospital nun. At dahil nga wala syang maalala at ako ang unang nakakita sa kanya ay saken napunta ang responsibilidad. Kaya ayon, inuwi ko sya dito." pagtatapos naman niya.

Nabalot kami ng katahimikan at ang tanging naririnig ko lamang ay ang aking paghinga at ang paghihikbi ni Nay ni Miya.

"W-wala po ba sya wallet? Cellphone? Or anything that can identify her?" usisa ko naman ng makarecover ako.

"Wala eh. Wala kahit ano. Kahit bag wala." sagot nya. Grabe naman yun. Kahit wallet o ID wala??

"Y-yung sasakyan?? B-bakit po hindi tinrace ng mga pulis yung kotse??" tanong ko pa.

"Ginawa yun ng mga pulis ang kaso nga lang ay yung plate number ay nakapangalan sa ibang kotse at hindi kilala nung may-ari itong si Miya. Ayon sa imbestigasyon ay ni rent lang yung kotse at illegal yung rental company." tugon ni Itay ni Miya.

"D-duon sa records nung company?? Wala ba doon." usisa ko pa.

Umiling-iling naman sya.

"Yun na nga eh. Wala silang records ang dahilan pa nga nila ay nasunog daw lahat ng papeles nila. Kahit sa computer wala."

"P-paanong wala kahit isa?" di makapaniwalang tanong ko pa.

"Wala kaming makuhanan ng kahit anong impormasyon tungkol sa kanya. Wala din namang naghahanap. Kaya minabuti na lamang namin na maghintay."

Maghintay? Maghintay kung kailan babalik ang kanyang alaala? Ganun ba? Eh paano kung hindi bumalik yun? Pababayaan na lang? Ganun na lang yun!?

Magsasalita pa sana ako, kaso.....

Double AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon